^

Punto Mo

Ang utang na loob, binabayaran… hindi lang tinatanaw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HINDI nagkamali si Ernest na lumipat sa isang paupahang apartment sa Chicago upang mapalapit sa bahay ni Sherwood Anderson. Mahusay na manunulat si Sherwood at laging bukas ang kanyang tahanan sa mga bagitong manunulat na nais hasain ang kanilang talent. Si Sherwood Anderson ang sumulat ng di malilimutang nobela, Winesburg, Ohio, Poor White, Dark Laughter, etc.

Ang kahanga-hanga kay Sherwood, hindi lang niya tinuturuang magsulat ng kuwento ang mga humihingi ng tulong sa kanya kundi ipinakikilala pa rin niya ang mga ito sa kanyang mga kakilalang publishers. Nang magtagal ay nakasulat ng kanyang kauna-unahang nobela si Ernest na may pamagat na The Sun Also Rises. Ang Ernest na tinutukoy ko ay si Ernest Hemingway. Isa lang si Ernest sa mga sumikat na dumaan sa mga kamay ni Sherwood. Ang iba pang natulungan ni Sherwood ay nagkamit pa ng Nobel Prize at Pulitzer Prize.

Ipinagtapat minsan ni Sherwood ang dahilan ng kanyang pagtulong sa mga kabataang mahilig magsulat. Siya rin pala ay tinuruang magsulat ng isang mas nakatatandang manunulat na si Theodore Dreiser. Kumbaga, nagbayad siya ng utang na loob sa pamamagitan ng pagdebelop sa mga bagong sibol na manunulat na kagaya niya noong araw.

Parang kagaya ni Steve. Pinag-aral siya ng kanyang tiyuhin kaya siya naging Accountant. Nang umasenso ang kanyang buhay ay tumulong din siya sa pagpapaaral ng kanyang mga pamangkin na hindi makapag-aral sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Nang makatapos sa pag-aaral ang kanyang mga pamangkin ay tinanong si Steve ng mga pamangkin kung ano ang gustong regalo nito sa kanyang birthday. Sagot ni Steve: Kahit wala kayong regalo sa akin ay masaya na ako. Basta’t ipangako ninyo na kapag maayos na ang inyong mga buhay, magpaaral din kayo ng mga mahihirap na batang gustong  makatapos ng pag-aaral.

 

vuukle comment

ANG

ANG ERNEST

DARK LAUGHTER

ERNEST HEMINGWAY

KANYANG

MGA

NANG

NOBEL PRIZE

POOR WHITE

PULITZER PRIZE

SHERWOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with