Pamilya ng divers, nakadiskubre ng kayamanan sa ilalim ng dagat
ISANG pamilya ng mga maninisid ang suwerteng nakadiskubre ng kayamanan sa dagat mula sa isang Spanish galleon na lumubog 300 taon na ang nakalilipas.
Natagpuan ng pamilya Schmitt na sumisisid sa baybayin ng Florida ang 51 gintong barya, isang 40 talampakang gintong tanikala, at isang baryang kung tawagin ay Royal na ginawa para mismo sa hari ng Spain noong mga panahong lumubog ang barko.
Tinatayang nasa $1 mil-yon (P45 milyon) ang halaga ng mga kayamanang nakuha ng pamilya mula sa ilalim ng dagat. Mas nakamamangha pa ang pagkakadiskubre sa kayamanan dahil natagpuan ito ng pamilya Schmitt sa lalim na 15 talampakan lamang mula sa ibabaw ng tubig.
Kinumpirma naman ng mga dalubhasa sa mga sinaunang ginto at alahas na totoo ang mga ito at sila ay nangga-ling sa isang Spanish galleon na lumubog noon pang 1715 dahil sa malakas na bagyo. Galing daw ang galleon sa Havana, Cuba at lulan nito ang mga kayamanan papunta sa Spain nang lumubog dahil sa masamang panahon.
Noong isang buwan pa natagpuan ng pamilya Schmitt ang mga kayamanan ngunit minabuti nilang huwag muna itong isapubliko. .
- Latest