^

Punto Mo

EDITORYAL - Paghandaan ang El Niño

Pang-masa

NAHAHARAP ang bansa sa matinding tag­tuyot dulot ng El Niño. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mararamdaman umano ang bagsik ng El Niño sa Oktubre. Kasingtindi umano ng nangyaring El Nino noong 1997 ang maaring maranasan sa Oktubre at maaaring tumagal hanggang Mayo 2016. Ang El Niño ay ang hindi pang­karaniwang pag-init ng temperature ng karagatan sa central at eastern equatorial Pacific na magdudulot ng grabeng tagtuyot sa rehiyon sa Pacific at grabeng tag-ulan at baha naman sa iba pang rehiyon.

Nang magkaroon ng El Niño sa bansa noong 1997-1998, nagkaroon ng kakapusan sa pagkain at tubig. Mahigit 70 per cent ng bansa ang nakaranas ng grabeng tagtuyot. Umabot sa P8.46 billion ang nasira sa agrikultura nang matuyo ang may 74,000 ektaryang sakahan sa 18 probinsiya.

Ngayon pa lamang ay dapat nang maghanda ang pamahalaan sa pagsapit ng El Niño. Tiyak na ang unang maaapektuhan ay ang mga sakahan kaya dapat magkaroon na ng pag-aaral kung paano ito maiiwasan. Kung matutuyo ang mga tanim na palay, dapat magkaroon ng iba pang alternatibo. May mga pananim na matibay sa init kaya ang mga ito ang dapat itanim sa panahon ng pananalasa ng El Niño. Maraming halaman, gaya nang mais na maaaring itanim sapagkat matibay ito sa init. Kung siyam na buwan ang itatagal ng El Niño, maaaring magbunga at mapakinaba-ngan ang mga mais.

Kung mapagpaplanuhan at mapaghahandaan ang El Niño hindi gaanong mabibigla ang lahat sa pagsapit nito. Kailangan lamang ay ang pagtutulungan ng bawat isa. Kung ang lahat ay makikiisa sa paghahanda sa pagtama ng El Niño, malalampasan ang problema gaano man ito katindi at kabigat.

ACIRC

ANG

ANG EL NI

ATILDE

AYON

EL NI

EL NINO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

OKTUBRE

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PLUSMN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with