^

Punto Mo

‘Pinadaling edukasyon’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAGANDA ngunit hindi naman abot-kaya. Isa sa iniisip ng mga magulang ang eskwelahang makakapagbigay ng sapat na karunungan sa kanilang mga anak upang maging maganda ang kanilang kinabukasan.

Think Well, Feel Well, Do Well…ito ang motto ng isang paaralan sa Cavite na nagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga mamamayan ng kanilang komunidad. Ito ay ang St. Edward Schools.

Taong 2012 nang itatag ang St. Edward Shools (SES), isang institusyong pang-edukasyon na nag-aalok ng abot-kaya, ‘high performing private school education’ para sa buong komunidad ng Lancaster New City na ginawa ng Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS).

Ang SES ay pag-aari ng St. Edward Integrated School (SEIS) Foundation, isang non-stock at non-profit na organisasyong itinayo ng PRO-FRIENDS.

Pinangangasiwaan ito ng Quality Education Design Company (QED), isang grupo ng tagapamahala na binubuo ng mga tagapagturo na may karanasan sa edukasyong pampubliko.

Layunin ng paaralang ito na makapagbigay ng madali, competitive at progresibong programa ng pangunahing edukasyon na Katoliko ang karakter, holistic sa ‘academic orientation’, pangbuong mundo ang pananaw at hinimok ng mga pamana ng Pilipinas.

Inimbitahan ng SEIS ang QED na maging kaagapay sa pamamahala ng SES. Sa ilalim ng QED System, ang SES ay makakapagpabago ng buhay, mag-alaga ng tao at makakapagpaunlad ng mga kabataan tungo sa pagiging isang taong may tiwala sa sarili, academic excellence at ‘servant leadership’.

Huhulmahin ang mga kabataang ito upang maging isang indibidwal na may mataas na karunungan sa math at science, ‘confident in communications’, may malalim na respeto at pagpapahalaga sa kultura at sining, ganun din sa pagiging magiliw at ‘pre-disposed’ tungo sa pagseserbisyo at nation-building.

Ang SES ay binubuo ng mga Community Schools na mula Kinder hanggang Grade 6 at High Schools mula Grade 7 hanggang Grade 12.

Ang mga Community Schools ay magkakalapit lang ng lugar at matatagpuan sa ilang bahagi ng Lancaster New City.

Ang mga campus na ito ay mas maliit at nag-aalok ng mas ‘intimate’ at progresibong karanasan sa pag-aaral na kailangan ng mga mag-aaral. Ang mga pasilidad at amenities dito ay maaari ding maibahagi at magamit sa komunidad kapag hindi oras ng pasukan.

Mas malaki naman ang High School, kompleto sa kasangkapan ang mga campus na matatagpuan sa pinakamagandang bahagi ng Lancaster New City. Ang unang St. Edward School na dating St. Edward Integrated School ay isang halimbawa ng tipikal na SES high school na may audiovisual rooms, multi-purpose room, computer room, home economics laboratory, science and technology laboratory (para sa Chemistry, Biology, Physics at General Science), speech laboratory, art gallery at laruan ng mga kindergarten.

May sarili din itong Chapel, Clinic at Gymnasium. Ang High School ay bukas sa lahat.

Noong School Year (SY) 2015-2016, halos umabot ng dalawang libong mag-aaral ang pumasok sa St. Edward Schools. Mayroon itong 24/7 na gwardiya at CCTV na nakalagay sa paaralan upang mapanatili ang seguridad ng mga mag-aaral.

Scholastic Excellence, Pro-God, Integrity, Responsible Citizenship, Innovation, and Team Work ang Core Values ng SES.

Ang SEIS Grade Curriculum ay sumusunod sa Dep-Ed K-12 Curriculum. Sa pagsisimula ng SY2016-2017 at SY 2017-2018 ay ipapakilala na ang Grade 11 at 12. Ang Grade 7-10 naman na dating HS I-IV simula sa SY 2016-2017 ay tatawaging Junior High School o Junior Secondary.

Ang SEIS Foundation ay non-stock, non-profit foundation na inorganisa ng PRO-FRIENDS upang mangasiwa sa pamamahala ng SEIS. Mayroon itong lisensiya na magpatakbo ng eskwelahan na mula sa Department of Education (Dep-Ed).

Ang QED bilang ‘education management service provider’ ay magkakaroon ng mga tungkulin at responsibilidad. Ito ay ang pamahalaan ang SEIS Imus Campus bilang ‘fully integrated school’ sa short-to-medium term. Mag-organisa at mamahala ng community schools sa buong Lancaster New City na bawat bahagi ay nabili na at may naninirahan.

Isa din sa kanilang tungkulin at responsibilidad ay ang gumawa ng mga nilalaman at modes ng ibabahaging edukasyon sa komunidad. Sila din ang namamahala sa pagpili ng mga guro at iba pang indibidwal o opisyal na bubuo sa paaralan.

Ang QED din ang namamahala ng relasyon ng eskwelahan sa Dep-Ed na may kinalaman sa serbisyong pang-edukasyon.

Gagawin ng QED ang management contract of service na ang paksa ay ang ebalwasyon ng SEIS Foundation Board of Trustees.

Sinisigurado ng mga nagpapalakad ng paaralan na ang bawat kabataan na papasok sa kanilang eskwelahan ay makakatanggap ng mataas na kalidad ng edukasyon sa abot-kayang halaga.

Pinahahalagahan din nila ang kaligtasan ng paligid para sa mga mag-aaral dahil ang SES ay ilang bloke lamang ang layo mula sa kanilang mga tahanan.

Mas madali din para sa mga magulang na mayroon nang eskwelahan sa loob ng komunidad sapagkat madali nilang maihahatid at masusundo ang mga ito.

Hindi lang karunungan ang ipinapakilala ng SES sa atin kundi tinuturuan din tayong mapalapit sa Diyos.

SA ANUMANG REAKSIYON o sa mga biktima ng krimen maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

ALIGN

ANG

DIN

LANCASTER NEW CITY

LEFT

MGA

QUOT

SCHOOL

SES

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with