^

Punto Mo

Pagdilao sa NCRPO?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pa nga uminit ang puwet ni Chief Supt. Allen Bantolo bilang officer-in-charge (OIC) ng NCRPO, heto’t may intriga kaagad na ibinabato sa kanya. Ang tinutukoy ko mga kosa ay itong umiikot na text message na may mga pulis na omoorbit sa mga pasugalan, putahan, nightclub at beerhouse at ginagamit ang pangalan ni Bantolo para ikuha siya ng lingguhang intelihensiya. Dapat sawatain ni Bantolo ang aktibidades ng “dirty cops” na ito na pinamumunuan ng isang Col. Senense ng R2 at baka maakusahan siya na kumukuha ng pabaon. Si Bantolo kasi mga kosa ay magreretiro na sa Setyembre subalit may ugong na patatapusin na lang ang termino n’ya sa NCRPO. Kaya sa unang linggo n’ya bilang OIC ng NCRPO, hinikayat ni Bantolo ang mga rank-and-file na sundin ang lahat ng alituntunin ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, at siyempre kabilang na dito ang laban sa “dirty cops.” Pero kung patuloy naman ang pag-iikot ng tropa ni Senense, aba baka pati ang ilang araw na lang ni Bantolo sa serbisyo ay maapektuhan pa, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tumpak!

Subalit, habang inaakusahan si Senense na bagman ni Bantolo, ang mga taga-ikot naman ay itong sina PO3 Jeff Habib alyas Wally Nazareno; PO3 Arnel Roque alyas Sgt. Sablay; PO1 William Cajayon alyas Gemini; PO3 Ver Paraon alyas Virgo at mga tiwaling miyembro ng Iglesia ni Cristo na sina Allan Espeleta alyas Pekenis at Nilo Espeleta alyas Zyder. Dumadaan ang weekly collection ng grupo kay SPO2 Allan Llanado alyas Atty. Santos, anang mga kosa ko. Boom Panes! Si Habib ay naka-assign sa NCRPO, si Roque sa NPD, si Cajayon sa ARMM, si Paraon sa Camp Crame at si Llanado ay sa NCRPO din. Sinabi naman ni Sr. Supt. Jimili Macaraeg, ang comptroller ng NCRPO, na “hindi ganyan” si Bantolo. Sinisiguro ni Macaraeg na paimbestigahan ni NCRPO OIC ang raket na ito. Hehehe! Dapat lang, di ba mga kosa?

Kung may plano si Marquez na magtayo ng database ng “dirty cops” dapat unahin n’yang ipasok dito ang mga pangalan nina Senense, Llanado, Roque, Habib, Paraon, at Cajayon, di ba mga kosa? Siyempre, isama rin ni Marquez sina SPO3 Greg Oruga, ng Laguna PPO, SPO1 Willy Maligaya ng RPSB, at PO3 Antonio Villacorta, ng RPHAU-NCRPO na tong collector naman nina Atty. Gerry Asuncion at Ryan Bacordo ng Batangas. Sina Asuncion at Bacordo naman ang mga Doberman ni Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano. Nandoon din dapat  sa database ni Marquez ang mga pangalan ng gambling lords na sina SPO2 Gener Presnedi alyas Paknoy at SPO3 Roberto  ObetO Chua, na nasa likod ng malaganap ng bookies ng karera sa Maynila. Hehehe! Dapat lang maging buena-mano silang lahat sa database ni Marquez, di ba mga kosa? T’yak ‘yun!

Kung hindi si Bantolo ang magiging NCRPO chief nitong pagkatapos ng SONA ni P-Noy, maaring may papel na ginampanan dito ang “dirty cops” sa pangunguna ni Senese, di ba mga kosa? Kung sabagay, maging si P-Noy ay nagsabi na kamakailan na si QCPD director Chief Supt. Joel Pagdilao ang papalit kay Dir. Carmelo Valmoria na nagretiro noong Hulyo 16. Pinagbantay muna ng SONA si Pagdilao bago isalang sa NCRPO, di ba mga kosa?

Si Pagdilao na kaya ang NCRPO chief ngayong linggo? Walang kokontra! Abangan!

ACIRC

ALYAS

ANG

BANTOLO

CHIEF SUPT

DAPAT

KOSA

MARQUEZ

MGA

NCRPO

SENENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with