^

Punto Mo

Sampaguita (110)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO nga pala ang dahilan at nagtungo ka rito, Sam?’’ Tanong ni Levi.

“Gusto ko lang malaman kung ano ang pangalan ng babaing ikinuwento mo sa akin noong magpunta ka sa bahay last time.’’

Nagtawa si Levi.

“Yun lang ang dahilan kaya nagpunta rito, Sam?’’

“Oo. Kasi’y nakadama ako ng awa sa’yo makaraang ikuwento mo ang tungkol dun. Sabi mo ay buntis na ang babaing iyon na sana ay pakakasalan.’’

“Totoo. Niloko nga ako ng babaing iyon. Napakasakit nang nangyari sa akin. Hindi ko malilimutan ang ginawa ng babaing iyon sa akin.’’

“Puwedeng malaman ang pangalan niya.’’

Napahinga si Levi bago nagsalita.

“Ylang-Ylang ang name niya.’’

“Maganda siya?’’

“Oo. Kasingganda mo, Sam. Pero ang kagandahan pala niya ay panlabas lamang. Isa siyang manloloko.’’

“Nasaan na siya?’’

“Balita ko patay na!’’

“Bakit namatay?’’

“Hindi ko alam. Ah, bakit ba siya ang pag-uusapan natin. Walang kuwentang pag-usapan ang babaing taksil. Iba na lang ang pag-usapan natin Sam.’’

“Gusto kong may malaman ukol sa kanya, Levi.’’

Nakatitig sa kanya si Levi. Parang may binabasa sa kanyang mga mata. Hindi kaya naghihinala na ito?

“Okey, okey ano pa ba ang gusto mong malaman sa kanya – kay Ylang-Ylang?’’

“Mayaman ba siya?’’

“Oo. May-ari ng isang kompanya ang father ni Ylang-Ylang.’’

“Ilang magkapatid?’’

“Solong anak siya.’’

“Mga ilang taon kayong naging mag-on?’’

“Bakit pati ‘yun ay itinatanong mo pa, Sam?’’

“Kailangan kong malaman.’’

“Mga one year. Hanggang sa binalak naming pakasal. At yun nga nang malapit na kaming ikasal, nadiskubre ko ang lihim --- may laman na ang tiyan niya. Pendeho ako!’’

Nakatingin lamang si Sam kay Levi. Napakasinungaling ng hayop na ito. Sagad sa pagsisinungaling.

Pero dapat nang matuloy ang paghihiganti.

“Naaawa ako sa’yo Levi. Kinawawa ka nga ng Ylang-Ylang na ‘yun.’’

Napangiti si Levi. Hinagod ng tingin ang kabuuan ni Sam.

Nang mga sandaling iyon ay hindi na mapakali si Ram sa labas ng gate. Bakit ang tagal ni Sam sa loob?

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BAKIT

HANGGANG

HINAGOD

LEVI

MGA

OO

PERO

SAM

YLANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with