^

Punto Mo

‘Biyahero ngayong Kuwaresma’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga bibiyahe pa lang nang malayo at uuwi sa mga probinsya ngayong Semana Santa. Muling nagpapaalala ang BITAG.

Bago kayo sumampa, siguraduhing na-inspeksyon at nasa tama itong kondisyon. Tiyakin na roadworthy ang sasakyan at naipasilip sa mga eksperto. Na-tsek ang bawat parte lalong lalo na ang preno.

Pinakamahalaga sa lahat, siguraduhin na mayroong tamang pahinga at tulog ang drayber. Dapat nasa tamang mentalidad at estado ng pagmamaneho.

Huwag sasampa sa sasakyan nang mainit ang ulo at baka mauwi sa estado ng road rage. Idagdag pa dito ang mataas na temperature kaya kadalasan, ang init ng ulo naibubunton sa lansangan.

Kung malayuan ang byahe, mas makabubuti ring umalis ng maaga sa bahay. Huwag nang magpatanghali pa o makisabay sa dagsa ng mga sasakyan at trapiko.

Mas masayang mag-byahe kasama ang pamilya nang hindi aburido dahil sa mga delay at pagmamadaling makarating agad sa inyong mga destinasyon.

Higit sa lahat, para sa mga nagmamaneho, isipin ninyo nalang na kayo na ang pinakamatinong drayber at ang mga kasabay ninyo sandamakmak na bobo kung magmaneho.

Nang sa gayon, mahabaan ninyo ang inyong pasensya at huwag na silang patulan pa.

Mga simpleng tips at paalala lang ito mula sa BITAG pero malaki ang maitutulong lalo na sa mga byahero ngayong Semana Santa.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ANG

DAPAT

HIGIT

HUWAG

IDAGDAG

MGA

NANG

NBSP

PINAKAMAHALAGA

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with