^

Punto Mo

Maraming umepal at patuloy na umeepal

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang eleksyon na dahil sa sangkaterbang mga tarpaulin at placards ng mga politiko na nakapalibot sa maraming paaralan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ilan pang mga eskuwelahan sa lalawigan.

Hindi nga lang ‘vote for….’ ang nakalagay, kundi ‘Happy graduation’, ‘Maligayang pagtatapos’ na mga pagbati ng mga pulitiko.

Bagamat wala namang masama sa ganitong mga pagbati, pero ang talagang kapansin-pansin dito ay ang naglalakihang mukha at pangalan ng mga pulitiko na mistulang nagpaparamdam na para sa susunod na taon.

Grabe ang mga pagkakasabit ng mga tarpaulin, nagdidilim ang entrada ng mga paaralan, ang ilang pasaway, wala na sa tamang lugar isinasabit sa mga kawad ng kuryente na napaka­delikado sa sunog.

Eto pa ha, bukod dito talagang hindi nagpaawat ang ilang ‘pa epal’, talagang kahit hindi imbitado sa mga graduation ceremony, nagsisiksik at kumukuha ng atensyon.

Ang siste, hindi ang mga graduates at kanilang mga magulang ang naging bida kundi si politician na epal.

Karamihan ay tapos na ang graduation, pero si epal na politicians hindi pa tapos ang pagbati. Makikita ngayon ang mga mukha nyan sa mga tarpaulin sa mga lansangan partikular sa mga expressway at ang pagbibida ay pagbati naman ng ‘maligaya at mapayapang paglalakbay’.

Talagang nangangamoy eleksyon na dahil lahat ng okasyon hindi pinalalampas ng  mapapapel na politicians.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGAMAT

ETO

GRABE

HINDI

KARAMIHAN

MAKIKITA

MALIGAYANG

METRO MANILA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with