^

Punto Mo

Nakaposas ang kamay ni C/Supt. Edwin Erni

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAG-AALBURUTO ang chiefs’ of police (COP) sa PRO4-A dahil sa kautusan ni Calabarzon police OIC Chief Supt. Edwin Erni na i-centralize ang 5 percent share nila sa Small Town Lottery (STL). Dati-rati kasi, direkta sa COPs ang STL share nila at wala namang umusbong na problema. Subalit dahil sa kautusan ni Erni, ang STL share ng COPs ay mapupunta muna sa Calabarzon headquarters bago ipamudmod sa kanila. Nangangamba ngayon ang COPs na baka mabawasan pa ang STL share nila dahil baka “matakaw sa pitsa” ang hahawak nito sa Calabarzon HQ. At ang masaklap pa, ang pag-centralize ng kanilang STL share ay galing lang sa verbal instructions ni Sr. Supt. Tony Yarra, ang comptroller ng Calabarzon police. Sa totoo lang, hindi naman ganito ang praktis sa ibang Police Regional Offices (PROs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may STL. Only in PRO4-A! Boom Panes! Ang STL share ng COPs mga kosa ay ginagamit nila sa kung anumang gastusin sa opisina nila tulad ng bond paper, repair ng mga computer, gasolina at iba pa. Kung mabawasan ito, siyempre maapektuhan din ang serbisyo publiko nila, di ba mga kosa? Hehehe! Lalo na at ipapatupad na ng Calabarzon police ang Oplan Lambat Sibat, aba maraming gastusin dito. Saan na kukuha ang COPs ng pondo?

Hindi lang ang STL share nila ang inireklamo ng COPs kundi maging ang additional subsistence allowance (ASA) nila noong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Tagaytay kamakailan. Sa pagkaalam kasi ng COPs, nagpalabas ang PNP headquarters sa Camp Crame ng P2 milyon na pondo para sa APEC meeting at nabayaran naman ang gastusin nila tulad nang gasolina. Subalit nasaan ang ASA nila? ‘Yan ang tanong na dapat sagutin ni Erni sa COPs, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Mukhang sira sa pitsa itong mag-among Erni at Yarra ah! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung sabagay, kilala si Erni ng mga kabaro niya sa Camp Crame na prangka pagdating sa pitsa. Sinabi ng mga kosa ko na noong hindi pa siya OIC ng PRO4-A, ang bukambibig ni Erni sa mga kausap n’yang provincial director o matataas na opisyales sa Calabarzon ay, “Saan ang para sa akin?” Kapag ma-late daw ang pag-abot ng pitsa, aba tiyak tatawagan sila ni Erni, anang mga kausap ko sa Camp Crame. Ang palaging dahilan nito ay kailangan niya talaga ng pitsa at kadalasan ay para sa tuition ng kanyang mga anak. Boom Panes! Kaya’t hindi na nagtataka ang mga kausap ko sa mga reklamo laban kay Erni pagdating sa pitsa. Si Yarra kaya? Ganun din ka-prangka tungkol sa pitsa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Habang nagrereklamo naman ang COPs sa Calabarzon tungkol sa share nila sa STL, hindi rin gumagawa ng hakbangin si Erni at Sr. Supt. Florendo Saligao, para tuldukan ang bookies operation ng mga aktibo at retiradong pulis sa Laguna. Paano kikilos si Saligao laban sa bookies ng STL eh nakatango na siya kay Don Ramon, ang malaking operator ng STL sa Laguna. Si Erni naman ay nakaposas din ang mga kamay dahil nabili na nina PO3 Antolin “Jhong” Valero ng R2 at pergalan queen Tessie Rosales ang kanyang lingguhang intelihensiya. Siyempre, ayaw nina Erni at Saligao na mabawasan ang aabot sa milyon na weekly take home pay nila sa illegal gambling, di ba mga kosa? Abangan!

 

ACIRC

ANG

BOOM PANES

CALABARZON

CAMP CRAME

COPS

ERNI

HEHEHE

MGA

NILA

STL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with