‘Sir, thank you Sir!’
KAPAG binanggit mong ang isang opisyal ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) masasabi mong dumaan ito sa matinding pagsanay at sunog-kilay na pag-aaral.
Noong Marso 15, 2015 sa Fort Del Pilar, Baguio City, pinangunahan ng Pangulong Benigno Simeon Aquino ang inagurasyon ng bagong PMA Sports Complex sa Sinaglahi Class commencement exercises ng akademya.
Kasama din ng Commander-in-Chief ang National Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gregorio P. Catapang, PMA Lt. Gen. Oscar Lopez and Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Cristino L. Naguiat, Jr.
Ang pagsasaayos ng 62 taon ng PMA Sports Complex ay nagsimula noong Nobyembre ng taong 2013 matapos itong makatanggap ng 105 milyong pisong pondo mula sa PAGCOR. Umabot ng mahigit isang taon para matapos ang 11, 500 square meter well-equipped sports facility.
Sa talumpati ng Pangulo para sa 172 miyembro ng Sinaglahi Class, nabanggit niya ang tungkol sa pagpapagawa ng bagong sports facility.
“Nasa harap natin ngayon ang bagong sports center. Siguro sinasabi ng Sinaglahi Class: ‘Nakita namin kung paano binuo yan, pero hindi man lang namin nagamit,’. Marahil sasabihin ng Honorable Secretary of National Defense sa mga klaseng makikinabang nito, ‘Sa panahon namin, ang tubig namin nanggagaling sa fire truck’. May kakulangan ng tubig sa PMA noon, bibigyan lamang kami ng limang segundo para kumuha ng tubig mula sa trak at yun na ang rasyon namin sa araw na iyon… marahil ganon talaga ang kapalaran: Habang umuunlad ang ating bansa, ang sakripisyong kailangan natin mula sa ating mga kababayan ay nababawasan,” wika ni Pangulong Aquino.
Samantala, ayon naman kay PAGCOR Chairman Naguiat, bilang premyadong training academy sa bansa para sa mga military leaders sa hinaharap, kailangan ng PMA ang tuloy-tuloy na pag upgrade ng mga pasilidad upang maihanda ang mga kadete sa masalimuot ng buhay ng mga militar.
“Ang ating mga sundalo ay kailangan ng mga bago at modernong pasilidad na makakatulong sa kanila hindi lamang sa ‘academic competency’ kundi pati na rin sa pisikal na kakayahan. Ito ang dahilan kung bakit ang PAGCOR ay hindi nagdalawang isip na pondohan ang pagpapasaayos ng sports complex,” dagdag niya.
Ang bagong PMA Sports Complex ay malaki ang pinagkaiba. Ngayon meron na itong volleyball, basketball at badminton courts, gymnastic floor, gymnastics area, combative sports area at wall climbing facility. Meron na rin itong sports area facility na may toilets, lockers, main lobby, lecture room para sa Sports and Physical Development classes at storage area.
Ibinahagi ng PMA Spokesperson Major Fara Krishna Candelaria na nung hindi pa sila nabibigyan ng pondo ng PAGCOR, ginagamit ng Academy ang Jurado Hall na ginawa noong taong 1953 para sa physical fitness requirements ng mga kadete at personnel. Bukod sa luma na ito, 500 na kadete lamang ang kasya dito.
“Maliit ito para sa kasalukuyang populasyon ng PMA,” dagdag niya.
Inaasahan na ang bagong sports complex ay mapapakinabangan ng 750 na kadete at halos 1,500 na command personnel, civilian employees at faculty ng PMA. Pwede na ring maging host ang PMA ng inter-school sports tulad ng Baguio-Benguet Educational Athletic League.
Ayon kay Candelaria, malaki ang maitutulong nito sa PMA dahil nang physical fitness ay bahagi ng core cuririculum ng Academy.
“Ang malusog na pangangatawan ay mahalaga para sa mga taong nasa military service kahit na ano pa ang ranggo nung tao. Dahil sa bagong sports complex, lalong magiging inspirado ang aming mga kadete na gawin ang lahat ng kanilang makakaya. Makakatulong din ito na makapanghikayat ng mga bagong kadete at pati na rin ang mga civilian personnel na maging parte ng mga athletic events,” wika niya.
Dagdag pa niya, ang pagpapagawa ng mga bagong pasilidad ay malaking hakbang para sa PMA bilang paghahanda sa 2028 vision na gawing moderno ang Academy upang pumantay sa mga international military schools.
“Dahil ang pagkakaroon ng maayos na Sports Complex ay importante, isinama ng PMA ang pagpapaayos nito sa Master Development plan noong 2012. Pero dahil ang prayoridad namin ay ang ‘training’, ang inprastraktura at iba pang development ay kukunin sa ekstrang pondo at source. Kung hindi ito pinondohan ng PAGCOR, maaaring matapos ito pero siguradong matatagalan,” ani Candelaria.
Ang Sinaglahi Class Valedictorian na si Arwi Martinez ay isa sa mga kadeteng gumamit ng old Jurado Hall.
“Bilang sports facility, marami ang kailangan ayusin at kumpunihin. Halimbawa, hindi na gumagana yung score board para sa basketball, yung cubicles sa banyo, tatlo sa lima lang ang gumagana,” kwento niya.
Naniniwala si Martinez na ang bagong PMA Sports Complex ay dahilan upang lalong magpursige ang mga kadete na seryosohin ang physical fitness requirements.
“Sigurado ako na lalong ma-eengganyo ang PMA community at ang mga kadete na sumali sa mga physical activities,” pagtatapos nito.
(KINALAP NI I-GIE MALIXI) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
- Latest