^

Punto Mo

Pakuya-kuyakoy lang C/Supt. Erni pero…

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MARAMING opisyal ng PNP sa Camp Crame ang naiinggit kay Chief Supt. Edwin Erni, OIC ng Calabarzon police. Anila, si Erni ay pakuya-kuyakoy lang sa kanyang opisina subalit walang patid ang tulo ng gripo n’ya o ang dating ng lingguhang intelihensiya. Si Erni ay paretiro na sa Hulyo subalit nabigyan ng pagkataon na maghakot ng pabaon nang mapuwesto bilang Calabarzon OIC nitong Enero. Sa kalkulasyon ng mga kausap ko sa Camp Crame, lalampas sa P5 milyon ang take home pay ni Erni sa mga pasugalan dahil lagom o nabili ni PO3 Antolin “Jhong” Valero at pergalan queen Tessie Rosales ang kanyang lingguhang intelihensiya. Get’s n’yo mga kosa? Kaya kung lampas na dalawang buwan sa puwesto si Erni mahigit na P10 milyon ang kanyang naipong pabaon, di ba Sr. Supt. Tony Yarra Sir? Wala pa riyan ang P1,100 na MOE ng kapulisan ng Calabarzon, anang mga kosa ko sa Camp Crame. Kaya naiinggit ang taga-Camp Crame kay Erni dahil sila nga na subsob at nagkakandarapa sa trabaho para mapaganda ang imahe at performance ng PNP ay umaasa lang sa suweldo. Boom Panes! Hehehe! May rason kung bakit mainggit sila kay Erni, di ba mga kosa? Tumpak!

Kaya’t hindi kikilos si Erni kahit abot-langit pa ang pagbubulgar ko na talamak na ang mga sugal na jueteng, lotteng, video karera, ending, EZ2 at iba pa sa Calabazon dahil maapektuhan ang weekly payola n’ya, anang mga kosa ko sa Crame. Kaya naman aabot sa P5 milyon ang monthly ni Erni sa pasugalan dahil dalawa ang “butas” niya. Isang butas ang pagiging OIC n’ya ng Calabarzon police at kasama riyan ang butas ng Regional Anti-Illegal Gambling (RAIG) na dating gamit niya bilang deputy regional for administration ng PRO4-A. Sa totoo lang, hindi naman takot mapalitan si Erni dahil abot n’ya bilang OIC puwede s’yang tigbakin anumang oras. Kaya hindi maikumpas ni Erni ang kanyang kamay na bakal laban sa pasugalan dahil iiyak tiyak sina PO3 Valero at Tessie Rosales. Pag nagkataon kasi, mag-aabono sina PO3 Valero at Rosales kapag napasara ang mga pasugalan sa utos ni Erni. T’yak ’yun! At ang balita pa sa Camp Crame, nagpa-advance na si Erni ng intelihensiya n’ya! Hehehe! Hindi na nga makuhang magkampanya ni Erni sa illegal gambling, di ba mga kosa!

Kung sabagay, hindi lang si Erni ang kinainggitan sa Camp Crame kundi maging si Chief Supt. Ronald Santos, ang hepe ng Central Luzon police. Tulad ni Erni, si Santos ay OIC din simula noong ma-suspinde si Chief Supt. Raul Petrasanta dahil sa dalawang kaso sa Ombudsman. Halos maglilimang buwan na si Santos sa puwesto kaya “kaon” na rin siya sa pasugalan sa Central Luzon, di ba Sr. Supt. Patrick “Comedian” Obinque Sir? Subalit di tulad ni Erni, si Santos ay maaring mapanatili sa puwesto dahil maganda ang review sa kanya sa Oplan Lambat Sibat na programa ni DILG Sec. Mar Roxas. Ang hamon ko lang kay Santos ay lansagin n’ya ang sampung lamesa na color games at drop ball ni alyas Jessica na matatagpuan sa Bgy. Bundukan, sa Bocaue, Bulacan. Hehehe! Hala kilos na Gen. Santos Sir!

Hinihintay ko naman ang action ni PNP OIC Dep. Dir. Gen. Leonardo Espina ukol sa mga aktibo at retiradong pulis na gambling lords sa Laguna. Hanggang kahapon kasi, wala pang aksiyon si Espina laban kina PO2 Osell Caratian ng base police; PO1 Geron Aries ng Calamba City; PO2 John Morris Alicbusan ng Sta. Rosa; PO3 Hermogenes Tapanco ng Sta. Rosa din; PO2 Anthony Barreto ng Sta. Maria; ret. Supt. Ramon Ramirez ng San Pedro; ret. PO2 Jerry Crisostomo, at ret. Chief Insp. Francisco Barcala ng Los Baños. Hehehe! Hintayin natin kung anong premyo ang ibibigay ni Espina sa mga aktibo at retiradong pulis na gambling lords! Abangan!

vuukle comment

CALABARZON

CAMP CRAME

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

DAHIL

ERNI

HEHEHE

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with