Nang Umibig si Gen. Douglas MacArthur (3)
… sa isang artistang Pinay
DUMATING sa Washington si Dimples. Itinira siya sa apartment na malapit sa White House dahil doon nag-oopisina si MacArthur. Naging madali para kay MacArthur na puntahan si Dimples tuwing gugustuhin nito. Sa kanyang ina pa rin siya regular na umuuwi mula nang makipaghiwalay siya sa first wife. Malaki ang impluwensiya ng ina sa buhay ni MacArthur. May panahong ito ang sumusulat sa superior ng anak para makiusap tungkol sa promotion. Ganoon kalakas ang personalidad ni Mary Pinkney MacArthur. Respeto at pagmamahal sa ina ang dahilan kung bakit hindi nito maipakilala si Dimples.
Isa pa, nang panahong iyon ay napakaistrikto ng racial segregation. Nakahiwalay ang pampublikong pasilidad ng black Americans sa white. Ang pakiramdam ng “white” ay mas superior sila sa mga blacks. May kinalaman ang lahing pinanggalingan ni Dimples – Scottish at Pinoy, hindi purong “white” – kaya marahil hindi nito maipakilala sa ina. Ang first wife niya ay kilala sa mataas na lipunan ng Washington at sikat na maganda.
May instruction ito kay Dimples na huwag lalabas sa apartment. Baka siya matsismis. Pero nainip ito sa loob ng bahay kaya nag-enrol sa Law school. Palibhasa ay outgoing at dating artista, marami itong naging kakilalang mga lalaki. Nangangamoy selos. Napipikon na ang magiting na heneral.
- Latest