Manong Wen (238)
“PALILIGAYAHIN muna kita saka ko igagawad ang parusa. Sabi sa akin ni Colonel, huwag ko na raw patagalin ang mga sutil pero para sa’yo patatagalin ko. Paaabutin natin ng gabi ang pagroromansa. Di ba gabi pa ang dating ng anak mong dalaga, he-he-he!” Sabi ng lalaki na parang demonyo kung tumawa.
“Nagulat ka siguro kung bakit alam ko na may anak kang dalaga ano? Mahusay akong magsiyasat, ha-ha-ha!’’
Gumapang ang kilabot sa katawan ni Mam Violy. Baka pati anak niyang si Noime ay mapahamak. Hindi na baleng mapahamak siya huwag lamang ang anak. Kawawa naman si Noime kapag nalapastangan ng lalaking kaharap niya.
“O anong iniisip mo, ha? Baka nagbabalak kang tumakas e huwag mo nang gawin dahil hindi kita hahayaang makalabas dito.’’
Takot na takot si Mam Violy. Demonyo na nga yata ang taong ito.
Napansin niya ang baril sa baywang ng lalaki. Ano kaya at agawin niya? Lalakasan niya ang loob. Kapag nabunot niya, ipuputok niya. Kakalibitin niya ang gatilyo!
Pero nagdalawang-isip si Mam Violy. Paano kung hindi niya mabunot agad ang baril. Baka sa kanya iputok iyon.
Naisip ni Mam Violy, baka mas maganda kung makipaglaro siya sa lalaki. Kunwari ay gusto rin niya ang ginagawa nito sa kanya. Kunwari ay papayag siya sa gusto ng lalaki. Kapag nakuha niya ang loob ng lalaki, gagawa siya ng paraan para makalabas sa bahay. Kailangang maging buo ang loob niya.
“Anong iniisip mo, ha? Huwag mong tatangkaing tumakbo at hindi ka magtatagumpay. Binabalaan kita. Hindi kita titigilan hangga’t hindi nahuhuli. Mas mabigat ang sasapitin mo.’’
“Hindi! Hindi ako tatakas. Susunod ako sa gusto mo. Lahat nang gusto mo!” sabi ni Mam Violy. Iyon ang naisip niyang paraan para makaligtas sa manyakis. Makikipaglaro siya.
“Ganyan dapat ang gawin mo. Matuto kang sumunod sa gusto ko. Sige dito tayo sa sopa.’’
Inakbayan siya ng lalaki at tinungo ang sopa sa salas.
Nag-iisip si Mam Violy. Kapag nakakita siya ng pagkakataon, tatakbo siya.
“Sige higa ka na. Nasasabik na ako sa’yo.’’
Humiga si Mam Violy.
“Ganyan nga. Dapat masunurin ka.’’
Nag-iisip si Mam Violy nang gagawin. Kung tatakbo siya, dapat ay sa pinakamalapit na pinto palabas.
“Teka at mag-aalis ako ng sapatos. Gusto kong masimulan na ang lahat.’’
Kumilos ang lalaki para alisin ang sapatos.
Nang inaalis na ang sapatos, biglang bumangon si Mam Violy at nagtatakbo. Patungo siya sa pintuan.
Nagulat ang lalaki.
“Hoy!”
Pero mabilis si Mam Violy.
“Hindi ka makakatakas! Wala kang dadaanan!”
(Itutuloy)
- Latest