^

Punto Mo

Manong Wen (236)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI nakatulog si Mam Violy dahil sa pag-iisip sa banta ng lalaking nanghihingi ng pera. Nag-iisip siya ng paraan kung paano makakaiwas sa lalaki.

Naisip niya, sana hindi na siya pumalag. Sana nagbigay na lang siya para walang problema. Kung bakit kasi nainis na siya sa walang patid na panghihingi ng lalaki at para raw kay Colonel. Noon ay lingguhan ang panghihingi ng protection money at nagbibigay siya ng P2,000. Pero nitong nakalipas na araw, dalawang beses na isang linggo at pinadagdagan pa ng P500. Lumalabas na P2,500 ang binibigay niya. At nang magdalawang beses sa isang linggo, naging P5,000 na. Sa kanila na lamang mapupunta ang kita ng tindahan. Mahihirapan siya dahil may pinasusuweldo siyang tindera. Apat ang tindera niya. Iyon ang dahilan kaya umalma na siya. Nakipagmatigasan na siya at nagbanta nga ang lalaki. Babalikan daw siya. Humanda raw siya.

Naupo sa kama si Mam Violy. Nag-isip ng gagawin para maiwasan ang hayop na extortionist.

Hanggang sa ipasya niyang huwag munang pumasok sa tindahan.

Tinawagan niya ang isang pinagkakatiwalaang tindera.

“Donna, hindi ako papasok ngayon. Ikaw na muna ang bahala diyan.’’

“Bakit po Ate?”

“Iiwasan ko muna ang nanghihingi ng protection money.’’

“Sige po. Paano po kapag nagpunta?’’

“Sabihin mo wala ang may-ari. Huwag kayong magbi­bigay.”

“Opo.’’

Sinabi niya kay Noime na hindi muna siya papasok sa tindahan.

“Sige Ma. Pero mag-ingat ka habang ako ay nasa office. Basta tawagan mo agad ako.’’

“Okey.’’

“Kasi baka nga balikan ka.’’

“Tatawagan agad kita.”

NANG mga sandali namang iyon ay nasa coffee shop na si Tatang Nado. Umorder ng kape at ensaymada. Habang umiinom ay nakatingin siya sa tindahan ni Mam Violy. Nagtaka siya sapagkat wala si Violy! Nasaan kaya?

Naghintay pa siya. Lu­mipas ang isang oras at wala pa rin si Mam Violy. Kinabahan si Tatang Nado. Masama ang kutob niya.

SAMANTALA, sa bahay ni Mam Violy, ipinasya niyang­ maligo. Maalin­sangan. Pagkatapos maligo ay tiwalang pumasok sa kuwarto. Naghubad. Pinatuyo ang katawan.

Nagbibihis siya nang lumabas sa pinagtataguan ang lalaki. Tinutukan siya ng baril.

“Sabi ko na’t may asim ka pa, he-he-he!”

“Huwag!”

(Itutuloy)

APAT

BABALIKAN

BAKIT

HUWAG

MAM VIOLY

PERO

SIGE MA

SIYA

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with