^

Punto Mo

2 Mayor sa Makati City

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

LITUNG-LITO ngayon ang mga mamamayan sa Makati city na walang pakialam sa pulitika hinggil sa report na dalawa ang tumatayong mayor ng lungsod.

Alinsunod sa kasalukuyang sitwasyon ay agad ng bumalik sa trabaho si Mayor Junjun Binay matapos na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals na pumipigil sa suspension order na inilabas ng Ombudsman.

Pero nanindigan naman ang DILG na wala nang bisa ang TRO ng CA dahil naunahan na ito ng panunumpa sa tungkulin ni Vice Mayor Kid Peña.

Naglabas din ng pahayag ang Ombudsman na wala nang bisa ang TRO dahil naipatupad na ang suspension order laban kay Mayor Binay.

Kung ang tatanungin ay ang kampo ng mga Binay at tagasuporta nito ay kanilang iginigiit na napigilan na ang suspension order ng Ombudsman kaya balik-trabaho na si Mayor Binay.

Pero ang nakakalilito ay ang posisyon ng DILG na si Vice Mayor Kid Peña ang acting mayor at ito ang kasalukuyang sinusunod ng pnp.

Ang nakababahala ay ang kapakanan ng taumbayan dahil tiyak na apektado ang kanilang interes lalo na ang mga may transaksiyon sa Makati City hall.

Dapat ay maglabas ng paglilinaw ang Court of Appeals kung nabalewala na ang TRO nito matapos na maunang maipatupad ang suspension order at nakapanumpa na ang acting mayor.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang kaguluhan at tensiyon sa Makati City hall.

ALINSUNOD

BINAY

COURT OF APPEALS

MAKATI CITY

MAYOR

MAYOR BINAY

MAYOR JUNJUN BINAY

PERO

VICE MAYOR KID PE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with