^

Punto Mo

TRO kay Mayor Binay

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TULAD sa mga nakaraang kaso na pagsuspinde sa isang lokal na opisyal ng gobyerno ay masasabing normal lang na magpalabas o hindi ng temporary restraining order (TRO) ang isang korte kaugnay sa petisyon.

Kahapon, nagdesisyon ang 6th division ng Court of Appeals­ (CA) na magpalabas ng TRO na pansamantalang pumipigil sa suspension order laban kay Makati mayor Junjun Binay.

Ang TRO ay may bisa ng 60 araw at magdadaos ng pagdinig ukol dito upang aksiyunan ang reklamo ng kampo ni Mayor Binay na iligal ang suspension order na inilabas ng Ombudsman.

Nauna rito, sinuspinde ng Ombudsman si Mayor Binay ng 60 araw kaugnay ng umano’y maanomalyang proyekto na Makati Parking Building 2.

Sa gagawing pagdinig ng CA, kailangang patunayan ng Ombudsman na malakas ang kaso ng katiwalian at higit sa lahat ay hindi iligal ang suspension order.

Pero kung sasang-ayunan ng CA ang Ombudsman at magtutuloy ang suspension order na anim na buwan, delikado ang mga Binay sa Makati.

Sa Oktubre ay simula na ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kndidato para sa 2016 elections.

Magiging dahilan kasi na kapag wala sa posisyon si Mayor Binay sa panahon ng kampanya sa eleksiyon, delikadong matalo na sila sa eleksiyon.

Hindi naman lingid sa lahat na may bentahe ang makinarya ng gobyerno para sa isang nakaupo sa puwesto maliban na lang kung ang boses ng mayoryang botante ng Makati city ay magsasalita at iboboto pa rin ang kanidato ng pamilya Binay.

Sa ngayon, balik na sa normal ang sitwasyon sa Makati City hall dahil pansamantalang napigil ng TRO ang suspension order ng Ombudsman na naisilbi rin kahapon ng DILG. Abangan na lang ang susunod na pangyayari sa nasabing siyudad matapos ang 60 araw na TRO.

ABANGAN

BINAY

COURT OF APPEALS

JUNJUN BINAY

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI PARKING BUILDING

MAYOR BINAY

SA OKTUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with