^

Punto Mo

‘Umiwas sa road rage’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

RAMDAM na ang pagtaas ng temperatura. Nagbibigay-babala ang BITAG, mag-ingat sa estado ng road rage.

Ito ‘yung bayolenteng reaksiyon ng mga motorista tulad ng pagmumura, pangungutya, pananakit at madugong komprontasyon na nauuwi sa pagpatay sa kapwa motorista.

Ang dahilan, nagkala­mangan, nagkagitgitan o nagka­ungusan sa trapiko.

Maraming sanhi o factor kung bakit nagiging road rager ang isang indibidwal. Maaaring may problema sa pamilya, problemang-pinansyal, emosyunal, problema sa trabaho o ‘di naman kaya kulang sa sapat na pahinga.

Ayon sa mga dalubhasang psychiatrist, dahil tag-init, madali ring uminit ang ulo ng mga motorista. Idagdag pa dito ang pasikip pang pasikip na lansangan na tuwing rush hour, mistulang mahabang parking lot.

Kaya ang epekto, pagkamainitin ng ulo o pagiging bugnutin ng sinumang may hawak sa manibela.

Tulad nitong nangyari sa mag-amang pastor na sina Jesus at Marlon Pineda na lumapit sa tanggapan ng BITAG. Inireklamo nila ang magkapatid na ‘astig’ na pulis-Tarlac na sina P03 Sherwin Garcia at P01 Garcia.

Nagsimula sa singitan at gitgitan na nauwi sa panunutok ng baril na muntik pang magkapatayan.

Ipinalabas na namin ito sa telebisyon. Uploaded din ito sa aming website bitagtheoriginal.com. Panoorin nang makaiwas sa insidente ng road rage sa lansangan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AYON

GARCIA

IDAGDAG

INIREKLAMO

IPINALABAS

MARLON PINEDA

SHERWIN GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with