7 bawal gawin pagkatapos kumain
Paninigarilyo. Ang pagsisigarilyo matapos kumain ay katumbas ng pagsisigarilyo ng 10 sticks kaya’t mas mataas ang tsansang magkaroon ng cancer.
Kumain ng prutas. Nagkakahangin ang tiyan kung kakain kaagad ng prutas pagkatapos kumain. Dapat ay palipasin muna ang 1-2 oras bago manghimagas ng prutas.
Maglakad. Kung maglalakad kaagad, hindi masisipsip ng katawan ang nutrients mula sa kinain. Sa halip na maglakad ay tumayo na lang.
Magpaluwag ng sinturon. Mahihirapang maglakbay ang pagkain sa patutunguhan nito at sinasabing nakakapilipit ng bituka kapag pinaluwag kaagad ang sinturon. Tip: Bago pa lang kumain ay tanggalin na ang sinturon kung alam mong mapapasabak ka sa matinding kainan.
Uminom ng tsaa. Huwag uminom ng tsaa pagkatapos kumain. Ang dahon ng tsaa ay may taglay na acid na nagpapatigas ng protina. Kapag tumigas na, mahihirapan ang digestive system na tunawin ito.
Maligo. Ang agarang pagligo matapos kumain ay nagpapabilis ng daloy ng dugo sa mga kamay at paa. Resulta… ang dugo na dumadaloy sa tiyan ay mababawasan at magreresulta ng mahinang panunaw.
Matulog. Ang resulta ng pagtulog kaagad matapos kumain ay pagtaas ng insulin level na pinagmumulan ng diabetes; sobrang pagtaba; paghihilik; at heartburn.
Upang maiwasan ang mga nabanggit na problema, magpalipas na muna ng isa hanggang dalawang oras bago isagawa ang 7 nabanggit na gawain sa itaas.
- Latest