^

Punto Mo

Yogurt: Napakasustansiya sa katawan

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

ALAM ba ninyo na ang yogurt ay isa sa mga pinaka-healthy na pagkain? Ang yogurt ay gawa sa gatas at kumpleto sa protina, carbohydrates at fats. May calcium para sa ating buto, may potassium para sa mga nag-eehersisyo at vitamin B para sa ugat at stress. At napakahalaga ang good bacteria sa yogurt, iyung tinatawag na lactobacilli. Heto ang iilan lamang sa mga sakit na matutulungan ng yogurt.

1. Para sa singaw.

Ayon kay Dr. Elmer De La Cruz, ang pag-inom ng yogurt o yakult 3 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng yogurt at mababawasan ang sakit.

2. Para sa mga nagpapapayat.

Imbes na ice cream o full cream milk ang inumin, mas hindi nakatataba ang yogurt. Piliin ang low-fat yogurt (yung mas maasim) dahil 100 calories lang ito bawat cup.

3. Para sa mga nagtatae sa gatas.

May mga tao na may “lactose intolerance.” Ang ibig sabihin ay nagtatae sila kapag nakainom o nakakain ng pagkaing may gatas. Bilang kapalit sa gatas, subukan ang yogurt na mas sang-ayon sa iyong tiyan.

4. Para makaiwas sa kanser sa tiyan.

Ang yogurt ay makatutulong sa pagpapadami ng good bacteria (ang lactobacillus) sa ating tiyan. Gaganda pa ang ating pagdumi at makaiiwas tayo sa kanser sa tiyan (colon cancer).

5. Para sa Vaginal yeast infection o impeksyon sa puwerta.

Minsan, ang mga babae ay nagkakaroon ng makati at puting discharge sa puwerta. Para magamot ito, nagbibigay ang doktor ng anti-fungal suppository. Bukod dito, kumain din ng isang tasang yogurt sa loob ng 5 araw para manumbalik ang lactobacillus na nasa puwerta din. Kapag ang mga kababaihan ay kumain ng 4 cups ng yogurt bawat linggo, mas hindi sila magkakaroon ng impeksyon sa ihi at sa puwerta.

6. Para sa mga umiinom ng antibiotics.

Kung ika’y umiinom ng antibiotics, mabuti ay sabayan mo na rin ng pagkain ng yogurt araw-araw. Ito ay para mapalitan ang mga good bacteria na maaaring napinsala sa pag-inom ng antibiotics.

7. Para sa marami pang sakit.

Ayon sa pagsusuri, pinalalakas ng yogurt ang ating immune system at tinatanggal ang mga bad bacteria sa katawan. Dahil dito marami pang sakit ang pinapalagay na matutulungan ng yogurt, tulad ng ulcer, allergy, kanser at HIV-AIDS. Mag-yogurt na para sa inyong kalusugan!

AYON

BILANG

DR. ELMER DE LA CRUZ

LEFT

PARA

YOGURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with