^

Punto Mo

EDITORYAL – Bagong bayani o bigong bayani?

Pang-masa

HINDI makapaniwala ang pamilya ng OFW na si Joven Esteva na patay na ito -pinugutan na ito ng ulo sa Riyadh, Saudi Arabia. Bakit hindi raw ipinaalam sa kanila? Bakit biglang-bigla ang paggawad ng parusa?

Si Esteva, family driver ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay umano sa kanyang amo at pagkasugat sa anak nito noong 2007. Naaresto siya at kinulong sa Malaz Jail hanggang bumaba ang hatol na kamatayan.

Pero ang nakalulungkot, hindi nasabihan ang pamil­ya ni Esteva na pupugutan na ito. Sabi ng maybahay ni Esteva na si Nerlyn, nagkausap pa siya ng kanyang asawa noong Lunes ng umaga ganap na alas onse ng umaga at nagimbal siya nang malaman na pinugutan na pala ito ng hapon din na iyon. Bakit hindi sila nasabihan na igagawad na pala ng araw na iyon ang hatol?

“Napakasakit!” sabi ni Nerlyn, 39,  nang kapana-yamin sa kanilang bahay sa Koronadal City, Cotabato habang yakap ang bunsong anak. Apat ang anak nila ni Joven na edad 16, 14, 13 at 11. “Bakit hindi ipinaalam sa amin ng Philippine authorities na pupugutan na ang aking asawa?” Kasunod ay ang pagluha ni Nerlyn.

Sabi pa ni Nerlyn, nalaman lamang umano nila ang sinapit ng kanyang asawa nang isang kapitbahay ang nagsabi sa kanila. Napanood umano ng kapitbahay ang balita na sinasabing pinugutan na ang asawa sa Riyadh.

Ayon kay Nerlyn, inamin umano ng kanyang asawa ang pagpatay. Nagawa umano ito ng asawa makaraang hindi payagang makauwi ang kanyang asawa sa Pilipinas dahil meron itong sakit at insomnia. Ayaw umano itong bigyan ng perang pambili ng ticket sa eroplano para makauwi. Para makauwi ang asawa, pinadalhan nila ito ng pera pero ang nakatanggap ay ang amo nito at ayaw ibigay sa kanya. Nagtalo sila ng amo at napatay ito.

Kawawa ang OFWs na nakaranas ng pagmamaltrato at pinabayaan ng gobyerno ng Pilipinas. Sa kaso ni Esteva, nabigyan ba siya ng abogado sa simula pa lang? Nadalaw ba siya ng Embassy officials sa kulungan? O hindi nadalaw at kukuya-kuyakoy lang sa malamig na tanggapan at naghihintay nang malaking suweldo. Bigong bayani si Esteva.

ASAWA

BAKIT

ESTEVA

KORONADAL CITY

MALAZ JAIL

NERLYN

PILIPINAS

RIYADH

SABI

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with