^

Punto Mo

Gamot sa Hangover

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…mula sa iba’t ibang panig ng mundo:

Rome

Malakas bumarik ang mga Romans at Greeks. Kaya sapul pa noong unang panahon ay kung anu-ano na ang mga sinubukan nilang paraan upang matanggal ang masamang pakiramdam dulot ng pagkalasing nang nagdaang gabi. Dinudurog ang ulo ng kuhol at ito ang ipinapahid sa ulong kumikirot. Ang iba naman ay mas type ang paghuli ng maliit na ibon at saka kakatayin. Ipiprito ito nang buo at iyon ang kakainin.

Eastern Europe

Ang epektibong pantanggal nila ng hangover ay paghigop ng mainit na nilagang goto na hinaluan lang ng asin.

Japan

Marami ang sumusumpang magaling raw sa hangover ang dried-pickled apricot or umeboshi.  Doble pa ang benefit ng pagkaing ito, nagpapabagal ito ng pagtanda. May nagsasabi naman na mas epektibo ang paghigop ng sinabawang tulya o anumang shellfish.

Sicily

Ang pagkain ng daing na penis ng toro ang nakakatanggal ng hangover. Mainam itong kainin dahil mataas sa protina, minerals at vitamins.

US

Prairie oyster ang iniinom kinaumagahan pagkaraan ng magdamag na barikan. Ito ay pinaghalo-halong  hilaw na itlog, Worcestershire sauce, isang shot ng alak (optional), Tabasco sauce, suka, asin at paminta. Kailangang inumin nang “straight” ang  mixture. Susundan ito ng pag-inom ng isang basong tubig upang maiwasan ang dehydration. Prairie oyster ang tawag kahit walang oyster dahil sa orihinal na recipe ay gumagamit ng oyster ngunit tinanggal ito at hinalinhan ng itlog.

(may kasunod)

 

DINUDUROG

EASTERN EUROPE

IPIPRITO

KAILANGANG

KAYA

MAINAM

MALAKAS

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with