^

Punto Mo

BOI report, naisumite na, isapubliko na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KAHAPON, pormal nang isinumite ng binuong Board of Inquiry (BOI) ang kanilang report kaugnay sa naganap na insidente sa Mamasapano sa Maguindanao na doon nasawi ang 44 na tauhan ng PNP-Special Action Force (SAF).

Matagal-tagal na ring hinihintay ng marami nating mga kababayan ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng BOI, dahil dito nakasalalay ang maraming bagay.

Unang ibinigay ni PNP Director Benjamin Magalong na siyang nanguna sa BOI ang kopya ng report kay PNP-OIC Deputy Director Gen. Leonardo Espina  na siya namang magdadala kay Sec. Mar Roxas ng DILG.

Si Roxas naman ang siyang magbibigay kay PNoy.

Hinihintay na rin  ng Senado at ng Kongreso ang resulta.

Sa panig naman ng DOJ, malaking bagay din ang resulta ng inquiry sa kanila namang isinasagawang hiwalay na pagsisiyasat.

Sa panig ng BOI, nanindigan silang katotohanan ang nilalaman ng Mamasapano report.

Katotohanan ang hinangad na imbestigasyon ng BOI, ayon pa kay Magalong.

Matatag na sinabi pa nito na base sa resulta makaka­tingin sila ng diretso sa mata ng mga kaanak ng mga na­sawing SAF. 

Dahil sa mga pananalitang ito, mas lalo pa ngayong ina­abangan ang pagsasapubliko ng naturang report.

Dito malalaman kung sino ang nagsisinungaling, kung sino ang nagtuturo lamang at kung sino ang talagang may malaking pananagutan.

BOARD OF INQUIRY

DAHIL

DEPUTY DIRECTOR GEN

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

LEONARDO ESPINA

MAMASAPANO

MAR ROXAS

SI ROXAS

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with