^

Punto Mo

Bahay na ipinagbebenta sa Indonesia, may libreng asawa na kasama

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ipinagbebentang 2-bedroom house na nasa Yogyakarta, Indonesia ang may kakaibang bonus para sa bibili nito.

Sa halip kasi na furniture o iba pang gamit sa bahay ay libreng asawa ang kasama ng bahay na nagkakahalaga ng 999,000,000 Indonesian Rupiah (katumbas ng P3.3 milyon).

Seryoso sa kanyang alok ang 40-taong gulang na si Wina Lia na siyang may-ari ng bahay at 15 taon nang biyuda.

Noong una ay pagbebenta lang ng bahay ang tanging plano ni Wina. Pumasok lamang sa isip niya na ialok ang kanyang sarili bilang asawa nang minsang maikuwento niya sa ahenteng naghahanap ng buyer ng kanyang bahay na gusto na niyang maikasal muli.

Naisip ng ahente na ilagay sa mga advertisement ng ibinebentang bahay ni Wina na kasama si Wina sa bahay na ibinebenta bilang maybahay. Bagamat ginawa lamang nito ng ahente upang mapansin ang mga ads ay hindi naman tumutol si Wina dito dahil ayon sa kanya ay gusto naman niya talagang makasal na muli.

Naging epektibo naman ang naisip na gimik ng ahente dahil mabilis na kumalat at naging viral ang advertisement para sa ibinebentang bahay ni Wina. Umaasa naman si Wina na ma­buting lalaki ang kan­yang mapapa­ngasawa sakaling may kumagat sa kanyang alok.

vuukle comment

BAGAMAT

BAHAY

INDONESIAN RUPIAH

NAISIP

NOONG

PUMASOK

SERYOSO

WINA

WINA LIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with