^

Punto Mo

Manong Wen (228)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAMUTLA si Mam Violy­ sa sinabi ng lalaki. Napansin niyang may baril sa tagiliran ang lalaki.

“Ano nagkakaintindihan na tayo? Gusto ni Colonel pagbalik ko may dagdag na ang proteksiyon…’’

“Pero kabibigay ko lang noong nakaraang linggo.’’

“Bago na ang hepe. Kapag bago, bago rin ang tara. O gusto mo sabihin ko kay Colonel na tutol ka.’’

Lalong namutla si Mam Violy. Baka kung ano ang gawin sa kanya. Baka guluhin ang tindahan niya.

“S-sige, pagbalik mo, bago na.’’

“Ganyan. Bukas babalik ako.’’

Umalis na ang lalaki.

Nagbalik sa kanyang mesa si Mam Violy. Kinabahan siya. Bago na naman ang hepe kaya bago rin ang protection money. Matagal nang ginagawa sa kanya ang ganito. Alam kasing madali siyang takutin. Kung isusumbong naman niya sa mga awtoridad baka lalo siyang perwisyuhin. Hindi siya titigilan kapag nagsumbong siya. At saka kanino siya magsusumbong e tiyak na kabaro rin ang mga ’yun. Magtatakipan sila.

Napabuntunghininga na lamang si Mam Violy.

Ipinagpatuloy niya ang gi­nagawang pagkuwenta.

Nang mga sandali namang iyon ay nagkukuwento si Tatang Nado kay Jo ukol sa mga nangyari sa pagmamatyag kay Mam Violy.

“Nasubaybayan ko si Violy­. Hindi ko hiniwalayan ng tingin.’’

“E di maligayang-maligaya ka, Tatang.’’

“Sobra-sobra Jo! Bukas ay pupunta uli ako.’’

“Opo. Kailangang su­bay­bayan mo si Mam Violy.”

KINABUKASAN, nasa coffee shop na naman si Tatang Nado. Habang umiinom ng kape, nakatingin siya sa tindahan at sinubaybayan ng tingin si Mam Violy.

Dakong ala-una ng hapon, nagtaka si Tatang Nado sa kausap ni Mam Violy — ang lalaking humihingi ng pro­tection money. Parang tinatakot si Mam Violy.

Sino kaya ang lalaki?

Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tatang Nado ang dalawa.

(Itutuloy)

ALAM

ANO

BAGO

BUKAS

DAKONG

MAM

MAM VIOLY

TATANG NADO

VIOLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with