^

Punto Mo

‘Tomato Battle’ batuhan ng libong kamatis, ginawa sa Australia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINATAYANG 5,000 Australyano ang nagtipon sa Melbourne kamakailan upang isagawa ang isang kakaibang klase ng pagdiriwang.

Tinaguriang ‘Tomato Battle’, ang kaganapan ay isinasagawa sa Flemington race course kung saan nagbatuhan ang mga kalahok ng kamatis. Tinatayang 300,000 kamatis ang ginamit sa pagbabatuhan. Kahalintulad ng Tomato Battle ang La Tomatina ng Espanya kung saan taun-taon ay nagbabatuhan din ng kamatis ang mga kalahok bilang kasiyahan.

Hindi naman kailangang manghinayang sa libu-libong kamatis na ginamit sa kasiyahan dahil ayon sa organizers ng Tomato Battle ay pawang mga kamatis na sobrang hinog lamang ang kanilang ginamit. Patapon na rin ang mga kamatis na hindi na maaring kainin kaya hindi na kailangang manghinayang para sa mga ito.

Kailangang nakapanligo at naka-goggles ang mga lalahok sa Tomato Battle dahil siguradong mababasa ang sinuman mula sa katas ng kamatis na magtatalsikan. Subalit sa kabila ng pag-iingat na isinagawa ng mga organizers ay dalawang kalahok pa rin ang naospital dahil sa tinamong injuries sa batuhan ng kamatis. Hindi naman malubha ang natamong pinsala ng dalawang kalahok dahil stable na ang kondisyon ng mga ito.

Sa kabila ng pagta­tamo ng injuries ng ilan sa mga kalahok ay tagumpay pa rin para sa organizers ang naganap na Tomato Battle kaya balak na nilang gawin itong taun-taon ka­tulad ng La Tomatina ng Espanya.

AUSTRALYANO

ESPANYA

FLEMINGTON

KAHALINTULAD

KAILANGANG

KAMATIS

LA TOMATINA

TOMATO BATTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with