^

Punto Mo

Manong Wen (227)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKATAPOS magluto ng kanilang almusal ni Jo ay naligo na si Tatang Nado at nagbihis.

Pagkatapos ay inihanda ang mesa para makakain na sila ni Jo. Kinatok niya ito sa kuwarto.

Bumangon at lumabas si Jo. Nagtungo sa kusina at umupo para kumain.

‘‘Ang aga mong bu­mangon Tatang. Nakapag­luto ka na agad?’’

‘‘Oo. Pupunta ako sa Paco. Gusto kong makita si Violy.’’

“Alam mo na ang patungo roon ano?’’

“Oo. Isang sakay lang sa dyip mula rito di ba?’’

“Oo.’’

“Dun ako tatambay sa coffee shop. Gusto ko masubaybayan si Violy. Sabik na sabik talaga ako sa kan­ya. Maganda pa rin ang asawa ko di ba? Parang hindi tumanda ano, Jo?’’

‘‘Opo. Ikaw din naman, Tatang. Bata ka namang tingnan.’’

‘‘Matanda na ako.’’

‘‘Kalabaw lang di ba ang tumatanda.’’

Nagtawanan sila.

“Sige kain na tayo. Ang sarap nitong daing na galunggong sa sinangag. Tamang-tama sa kape,’’ sabi ni Jo.

‘‘Masarap ang pagkadaing ko dahil sariwa ang galunggong.’’

‘‘Kaya pala.’’

Pagkatapos kumain, mag­huhugas pa sana ng pinggan si Tatang Nado pero pinaalis na ni Jo.

‘‘Ako na ang bahala di­yan, Tatang. Punta ka na sa Paco para mahaba-haba ang oras na pagmamatyag mo kay Mam Violy.’’

‘‘Salamat Jo,’’ sabi at ina­yos ang sarili. ‘‘Okey na bang porma ko?’’

“Okey na okey! Baka kai­langan mo pa ng pera. Eto pang isang libo, idagdag mo sa dalawang libo na binigay ko kahapon.’’

“Sobra-sobra na ito. Salamat Jo.’’

‘‘Walang anuman, Tatang.’’

Umalis na si Tatang Nado.

Tamang-tama ang dating niya sa coffee shop. Kabubukas lang. Siya ang unang customer kaya napili niya ang upuan na nakaharap sa tindahan ng damit ni Mam Violy.

Nag-order siya ng isang tasang kape at ensaymada na natutunaw sa dila kapag kinain.

Habang umiinom ay nakatingin siya sa tindahan ni Mam Violy. Nakita niyang nagsusulat o nagkukuwenta si Mam Violy. Abala naman ang mga tindera sa pag-aasi­kaso sa mga kustomer. Maraming bumibili. Malakas talaga ang tindahan ng damit ni Violy.

Limang oras sa coffee shop si Tatang Nado. Hindi niya mabilang kung ilang tasang kape at ensaymada ang naorder niya. Nang mag-alas dos ng hapon, ipinasya na niyang umuwi. Bukas na lang uli siya babalik. Muli sinulyapan niya si Violy. Nagkukuwenta pa rin ito. Lumabas na siya sa coffee shop at nagtungo sa sakayan ng dyipni.

Wala pang 15 minutes na nakaaalis si Tatang Nado ay may isang lalaki na dumating sa tindahan ni Mam Violy.

‘‘Pinasasabi ni Colo­nel, dagdagan mo ang protection money,’’ sabi ng lalaki.

‘‘Ha?’’

‘‘Dagdagan mo raw ang protection money! Bingi ka na ba?’’

(Itutuloy)

MAM VIOLY

OO

PAGKATAPOS

SALAMAT JO

SHY

TAMANG

TATANG

TATANG NADO

VIOLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with