Pinakamalaking pit bull sa mundo, maamo kahit kasinlaki ng isang tao
ISANG pit bull sa New Hampshire, USA ang sinasabing pinakamalaki sa buong mundo.
Wala pang dalawang taon si ‘Hulk’ ngunit may bigat na itong 173 pounds at tatlong beses na mas malaki sa ibang pit bull na kasintanda niya.
Sa kabila naman ng kanyang laki, napakaamo naman daw ni Hulk ayon sa amo nito na si Marlon Grannan, na nagtratrabaho bilang trainer ng mga aso na gamit sa law enforcement. May tiwala raw siya kay Hulk dahil sa training na ibinigay niya dito. Ito ang dahilan kung bakit buong tiwala niyang hinahayaan ang kanyang anak na makipaglaro sa higanteng pit bull.
Si Marlon at ang kanyang asawa ay parehong trainer ng mga aso at sila ang nagpalaki kay Hulk. Hindi na sila masyadong nagulat sa naging laki nito dahil sadyang breeder sila nang malalaking aso na kailangan ng mga pulis at sundalo. Kumakain din si Hulk ng 4 pounds ng karne araw-araw kaya naman talagang naging dambuhala ito.
Ipinaalala naman ng pamilya Grannan na hindi biro magpalaki ng pit bull kaya kailangan ng mga gustong mag-alaga ng nasabing breed ng aso ng sapat na kaalaman kung paano ang tamang training para sa mga asong ito. Sadyang mabangis ang mga pit bull at kayang pumatay ni Hulk ng isang tao kung hindi lamang ito napaamo sa pamamagitan ng kanilang ibinigay na training sa kanya.
- Latest