Graduation na, ma-epal, bawal!
SA pagtatapos ng buwan ng Marso, magsisimula na ang mga gaganaping mga graduation sa iba’t ibang paaralan.
May panibagong okasyon na namang inaabangan ang mga ‘epal’ na politiko.
Pero nagpauna na ang DepEd na bawal ang mga ‘mae-epal’ na pulitiko sa mga graduation rites ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Marapat lang naman kasing gawing ‘politics-free’ ang graduation na para sa mga nagsipagtapos at sa kanilang mga magulang.
Marami kasing mga politiko ang talagang ipiniprisinta ang kanilang mga sarili para imbitahin sa mga graduation rites, para sa kanilang personal na interes lalo pa nga’t nalalapit na naman ang eleksyon.
Ayon nga sa DepEd, hindi venue para sa anumang political forum ang graduation rites ng mga mag-aaral.
Siyempre pag-epal ng politiko sa graduation kahit hindi imbitado, nandon na nagugulo madalas ang kaayusan dahil sa kakakamay nito, na mistulang nangangampanya na.
Hindi na ang mga magtatapos o kanilang mga magulang ang nagiging bida madalas sa okasyong katulad nito, kundi ang maepal na politicians.
Ang iba naman, medyo disimulado sa pag-epal.
Dinadaan sa mga tarpaulin at streamer nang pagbati sa mga nagsipagtapos.
Naku sa mga susunod na araw, makikita na ang kanilang mga mukha at pagbati sa mga bakod at gate ng mga paaralan.
Hindi pa man campaign period, nakadelantera na ang mga mukha ng mga maeepal.
- Latest