^

Punto Mo

‘Hindi Ka na Namin Kailangan’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw na bumaba sa mundo ang Diyos upang mamasyal sa kagubatan, nakasalubong niya ang isang grupo ng mga scientists.

Big Bro, kumusta? bati ng mga scientists sa Diyos habang nagpapahangin at nakaupo ito sa sanga ng punongkahoy.

I’m fine… anong balita? nakangiting sagot ng Diyos.

Big Bro, alam mo bang kaya na naming lumikha ng tao mula sa putik kagaya ng ginawa mo? ang lider ng mga scientist ang nagsasalita.

Good! Malayo na ang nararating ng siyensiya!

At dahil nagagawa na namin ang ginawa mo, naisip namin na we don’t need you anymore. Huwag mo naman sanang ikakagalit ang mga bagay na ito.

Okey, walang samaan ng loob. Puwede bang ipakita ninyo sa akin kung paano kayo bumuo ng tao mula sa putik?

Manood ka lang Big Bro…

Dumampot ng putik ang lider na scientist. Pero pinigil ng Diyos ang scientist.

No… no… no. Akin ang putik na iyan. Ako ang lumikha n’yan. Ang nais kong mangyari ay lumikha kayo ng tao mula sa raw material na kayo rin ang lumikha. After all, sa inyo na rin nanggaling na hindi na ninyo ako kailangan….

Walang nakakibo sa grupo. Napahiya sila. Kailangan pa rin pala nila ang Diyos at mga bagay na nilikha niya.

BIG BRO

DIYOS

DUMAMPOT

HUWAG

KAILANGAN

MALAYO

MANOOD

NAPAHIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with