^

Punto Mo

Manong Wen (219)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IBIG mong sabihin Princess, kung maka­gagawa nang may kabayanihan si Tatang Nado sa kanyang mag-ina baka magbago ang pasya ng mga ito?’’ tanong ni Jo habang naglalakad sila patungo sa sakayan ng dyipni.

“Oo. Gaya ng ginawa sa amin ni Inay. Di ba isinubo ni Inay ang kanyang buhay para kami mailigtas sa mga kidnaper. Muntik pa siyang mamatay. Kung makagagawa ng ganoon si Tatang Nado kina Mam Violeta at Noime, tiyak na mabubura lahat ang kasalanan niya.’’

“Tama ka, Princess. Kayo nga pala ni Princess at Precious at Mam Diana ang magandang halimbawa.’’

“Alam mo, Jo, talagang nawala lahat ang galit, hinanakit at anupamang poot sa aming dibdib ni Precious nang harapang makipagbarilan siya sa mga kidnaper. Kung hindi niya kami nailigtas, baka patay na kami.’’

“Oo nga. Alam ko ang lahat nang ‘yan, Princess. At saka talagang noon pa nagsisi na ang inay mo sa mga nagawa. Talagang ipinakita niya na pinagsisihan niya ang lahat.’’

“Kaya ganundin dapat ang gawin ni Tatang Nado. Gumawa siya ng kaba-yanihan sa kanyang mag-ina.’’

“Kaya nga dapat puntahan ko na si Tatang Nado sa bundok para malaman niya ang lahat. Siya rin ang dapat gumawa nang paraan kung paano maibabalik ang nasirang tiwala ng kanyang mag-ina.’’

“Sasamahan kita, Jo.’’

“Baka mahirapan ka, Princess. Ako na lang. Malayo ang Bundok Maningkol.’’

“Sasamahan kita. Mas maganda kung dalawa ta-yong magpapaliwanag kay Tatang Nado ng lahat.’’

“Baka hindi mo kayanin, Princess. Maraming kobra sa dadaanan natin.’’

“Kahit pa buwaya kaya kong harapin.’’

“Sige kung ‘yan ang gusto mo. Sa Linggo, akyat na tayo sa Bundok Ma-ningkol.’’

LINGGO ng umaga ay nagsimula nang umakyat sa Bundok Maningkol sina Jo at Princess.

“Kaya mo ba talaga, Princess? Matarik ang bundok.’’

“Oo, kaya ko.’’

Umakyat na sila sa Bundok Maningkol. (Itutuloy)

ALAM

BUNDOK MA

BUNDOK MANINGKOL

INAY

KAYA

MAM DIANA

OO

PRINCESS

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with