^

Punto Mo

Manong Wen (211)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUMABA na sa kapatagan si Jo. Nang lingunin niya si Tandang Nado ay wala na ito. Mabilis na nakabalik sa bundok. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Malayu-malayo pa rin ang lalakarin niya bago marating ang kalsada. Habang naglalakad, naiisip niya si Tatang Nado. Humanga siya sa tapang, lakas at liksi ng matanda nang damputin ang ma­bagsik na kobra. Kung hindi sa matanda, baka patay na siya sa kobra. Dalawang beses nailigtas ng matanda ang kanyang buhay.

Muli pinangako ni Jo sa sarili na babalikan ang matanda pero mayroon siyang magandang ibabalita. Ang tungkol sa asawa at anak nito. Pipilitin niyang hanapin ang mag-ina. Naantig siya sa sinabi ni Tatang Nado na gusto niyang makahingi ng tawad sa kanyang mag-ina bago man lang siya mamatay.

Gagawin lahat ni Jo ang paraan para makita ang mag-ina ni Tatang Nado. Kahit saan siya makarating, hahanapin niya ang mga ito.

NANG mga sandali namang iyon ay nakapagsasalita na si Mam Diana, ang ina nina Princess at Precious. Nagka­patawaran na ang mag-iina. Ganap nang kinalimutan ang mga nangyari sa kanilamg buhay. Niyakap nina Princess at Precious ang kanilang inay. Sabik na sabik sila rito.

“Okey na ang pakiramdam mo, Inay?”

“Oo, okey na ako. Akala ko, hindi ko na kayo makikita,” sabi ni Mam Diana na tumutulo ang luha. “Ilang beses din akong nag-attempt na puntahan kayo sa school pero natakot ako na baka ipagtabuyan n’yo.

“Malaki ang nagawang tulong sa akin ni Jo kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit at makabalita nang nangyayari sa inyo. Nalaman ko na magnobyo pala kayo, Princess.’’

“Opo, Inay. Nagbabalak na po ka­ming pa­­kasal pero…’’

“Pero ano, Princess?’’

“Hindi pa po siya na­kikita. Ginawa na po ni Manong Diego ang lahat pero hindi po siya makita. Hinanap na po sa lugar kung saan niya naka-enkuwentro ang dalawang kidnapper pero wala na po roon.’’

“Diyos ko, nasaan kaya si Jo?’’

“Hindi ko po alam Inay. Natatakot akong malaman ang nangyari. Hindi ko po kaya.’’

“Huwag kang mag-alala. Magpapatulong na tayo sa mga pulis para ma-locate si Jo.’’

“Inay, hindi po kaya patay na si Jo? Kasi po, may tama siya. Baka naubusan ng dugo at namatay sa gubat. Baka po kinain nang mga hayop ang bangkay…’’

“Huwag kang mag-isip ng ganyan, Princess?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DALAWANG

HUWAG

INAY

MAM DIANA

MANONG DIEGO

SIYA

TANDANG NADO

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with