^

Punto Mo

Isinoling armas ng SAF, tsinap-chop

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA itsura pa lamang ng mga isinoli  ng MILF na labing-anim at kalahating  mga baril umano ng mga nasawing Fallen 44, abay  walang makapaniwalang ang ganitong mga baril ang ginamit ng mga SAF tropper sa isang malaking operasyon.

Kahapon pormal na itinurn-over ng AFP sa PNP ang mga isinoling baril ng MILF na mistulang tsinap-chop.

Kung bakit?

Kulang-kulang ang mga bahagi nito, wala na rin ang mga sophisticated gadgets, wala na umano ang bolt, iba ang handle, yung iba halatang pininturahan lang para raw magmukhang bago.

Aba’y kahit sino ang makakita sa mga baril na isinoli hindi makapaniwalang ito ang gamit ng mga SAF troopers na siyang elite unit sa PNP at sumabak sa malaking misyon.

Kaya nga hindi maiwasan ni PNP OIC Deputy Director Leonardo Espina na kuwestiyunin ang kondisyon ng mga ibinalik na baril.

Pero siyempre, idadaan pa ito sa masusing inspeksyon, kailangang matiyak ang mga  serial­ numbers hanggang sa bawat parte ng armas na idadaan sa masusing ebalwasyon ng mga technical­ experts.

Yung mga nawawalang sophisticated gadgets na hindi nakasama sa mga isinaoling armas aba’y nagkakahalaga pala ng P80,000 hanggang 100,000, sa bawat isang armas at  kung ganito nga ang halaga nito,  hindi malayong napag-interisan na ito.

Sa ilang ulat aabot sa mahigit sa 60 armas ng SAF ang nawala sa naganap na Mamasapano incident.

Kabilang pa sa mga nawawalang armas ay 33 Ferfrans/ rockriver assault rifles, 4 savage sniper rifles, 4 crew –served weapons (M60 machine guns ), 10 Ferfrans M203 grenade launchers,  isang 90 MM recoiless rifle , 11 maiikling mga armas, 8 Glock handguns, 2 Beretta hand-guns at isang CZ.

Labing anim at kalahati pa lamang ang naibabalik, mala­king bilang pa ang nawawala.

Nasaan na ang mga ito?

Nasaan na rin ang mga personal na gamit ng SAF 44 na napakahalaga sa pamilya ng mga nasawi.

ARMAS

DEPUTY DIRECTOR LEONARDO ESPINA

FERFRANS

GLOCK

KABILANG

KAHAPON

NASAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with