^

Punto Mo

Manong Wen (207)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPATULOY si Tatang Nado sa pagkukuwento kay Jo ukol sa mag-ina nito.

“Hinanap ko ang aking mag-ina. Kung saan-saan ako nakarating. Maraming bayan ang aking pinuntahan. Pati sa Maynila ay nakarating ako. Pero hindi ko sila nakita.

“Sising-sisi ako. Noon ko napag-isip-isip ang mga kasalanang ginawa ko sa aking­ asawa. Napakasama ko!” Muli ay gustong mapaluha ni Tatang Nado pero pinigil ang sarili. Ipinag­patuloy ang pagkukuwento.

“Nang palayasin ako sa aming kuwartong tinitirahan, lalo ko nang nadama ang bigat ng mga kasalanang nagawa sa aking mag-ina. Dahil sa kasamaan ko, nawala sila sa akin.

“Hanggang sa ipasya ko na magpakalayu-layo na. Nag­lakad ako nang naglakad. Wala akong masulingan. Kung saan ako abutin ng gabi, doon ako natutulog. Pagsapit ng umaga, lakad na naman.

“Hanggang sa makarating ako sa gubat. Doon ko ipinas­yang mamalagi. Gumawa ako ng dampa. Ang kinakain ko ay pawang prutas, buko, saging at mga balinghoy. Naisip ko, wala rin lamang akong pa­milya, mas maganda nang mamalagi sa bundok. Gusto ko sa bundok na lamang mamatay.

“Sa gabi, matagal ako bago makatulog at naiisip ang mga kasalanan sa asawa at anak ko. Nasaan na kaya sila? Sana hindi ko sinaktan ang aking asawa.

“Hanggang sa mapag-aralan­ ko ang lahat at matanggap ang sinapit ng aking buhay. Ito na marahil ang ka­parusahan sa mga nagawa kong kasalanan.

“Nagpalipat-lipat ako ng lugar sa gubat. Hanggang sa lumipas ang 20 taon. Napagsisihan ko na ang lahat. Gusto ko sana, makahingi ng tawad sa aking mag-ina.’’

Nakatingin si Jo kay Tatang Nado. Naaawa siya sa matandang nagligtas sa kanya.

(Itutuloy)

AKING

AKO

DAHIL

GUMAWA

HANGGANG

HINANAP

IPINAG

SHY

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with