^

Punto Mo

EDITORYAL – Problema ang unemployment

Pang-masa

DUMAMI ang walang trabaho. Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Nob. 27-Dis. 1, 2014, lumabas na 12.4 milyon ang jobless. Mataas ito kumpara sa naunang survey noong Hunyo 2014 na 11.8 million ang walang trabaho.

Nadadagdagan ang mga “tambay”. Milyon ang walang trabaho at tiyak na madadagdagan sapagkat taun-taon ay mayroong nagtatapos sa kolehiyo. Aabutan ng mga bagong graduate ang dati nang nagbibilang ng poste.

Noon pa, problema na ang kawalan ng trabaho. Madalas ipangako ng mga namumuno particular ang mga nagnanais nang mataas na puwesto na ang prayoridad nila ay ang paglikha ng mga trabaho. Kapag naluklok na sa puwesto ang pinuno, hindi na nila prayoridad ang unemployment problem. Wala na silang pakialam.

Hindi naman talaga magiging problema ang unemployment kung mayroon lamang mahusay na pananaw at pagpaplano ang mga namumuno sa gobyerno. Kailangan bang magkaroon ng tambay sa bansang ito na malawak ang lupain at may sapat na pagkukunan nang makakain ng mamamayan. Ang magugutom na lamang marahil sa bansang ito ay ang mga batugan at walang plano sa buhay.

Kung pagaganahin lamang ng mga opisyal ng pamahalaan partikular ang nasa agriculture department ang kanilang mga utak, napakaraming ibibigay na trabaho ang nasa sector ng agrikultura. Kulang lamang sa pagtingin, pagsisinop at pagpapayaman ang sector kaya hindi makalikha ng mga trabaho. Kulang sa kakayahan ang nangangasiwa kaya hindi mapaunlad ang agrikultura. Kung pagtutuunan ng pansin ang agrikultura, narito nang lahat ang mga biyayang magpapaunlad sa bansa. Hindi na kaila-ngang magtrabaho sa ibang bansa o mag-OFW para kumita. Paunlarin ang sector ng agrikultura at tiyak na magkakaroon ng pagkakakitaan ang lahat. Nasa malawak na taniman ng bansa ang pagmumulan ng kaginhawahan. Bigyang pansin sana ito ng Aquino administration. Kung may trabaho ang lahat, wala nang magugutom at mababawasan ang krimen.

AABUTAN

AQUINO

BIGYANG

HUNYO

KAILANGAN

KAPAG

MADALAS

SOCIAL WEATHER STATIONS

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with