^

Punto Mo

Bakit wala nang balikan pagdating sa Mars?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

 SA 200,000 orihinal na aplikante, umaabot na lang sa 600 (habang isinusulat ito) ang natitira  sa ginagawang pagpili sa proyektong isinasagawa ng pribadong Netherlands-based Mars One Foundation para sa pagtatayo ng kolonya ng tao sa Mars.

Bukod sa mga Pilipino, marami ring ibang mga lahi mula sa iba’t ibang bansa  ang nagkainteres at naging kandidato sa Mars mission. Kabilang sa kanila ang 24-anyos na British student na si Maggie Lieu na nag-aaral ng PhD in astronomy and science sa University of Birmingham sa England. Kapag nakapasa, sasailalim siya ng 10 taong pagsasanay sa naturang proyekto.

 Mahihiwatigan sa mga nalathalang panayam kay Maggie ang ilang dahilan kung bakit hindi na makakabalik sa daigdig ang sinumang magtutungo at titira sa Mars (kung sakaling mabubuhay sila roon).

 Ayon kay Maggie, masyadong magastos na mangangailangan ng napakalaking halaga ng pera kung makakabalik pa siya sa daigdig. Marami aniyang langis ang kailangang dalhin mula sa daigdig at walang lugar sa Mars na maaaring paglunsaran ng rocket.

 Meron din aniyang mga peligro sa kalusugan kung babalik sila sa daigdig. Ito ay dahil ang low gravity sa Mars ay magparupok at magpapahina sa katawan ng sinumang titira roon. Ganito rin ang nagiging sitwasyon ng mga astronaut na matagal na lumalagi sa International Space Station na nagkakaroon ng kapansanan pagbalik nila sa daigdig tulad ng kahirapan sa paglalakad. “Sa panghihina ng mga buto sa katawan, sisira sa aming katawan ang epekto ng paglapag sa daigdig.”

 Pero umaasa si Maggie na, sa pamamagitan ng internet na ikakabit sa Mars, makakaugnayan pa rin niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi na niya makikita nang harapan.  Kung masisira ang internet connection, umaasa siyang maiaayos nila ito dahil bibigyan sila ng mga pagsasanay sa bawat bagay na kakailanganin nila sa paninirahan sa Mars tulad sa pagiging electrician, tubero, doktor at iba pa. Pinakamalaking panganib namang susuungin nila ang posibilidad na sumabog ang rocket na sasakyan nila bago pa man sila makarating sa pulang planeta.

Kung sakaling makalapag sila sa Mars, titira sila sa mga inflatable domes na merong tulugan, sala, workspace at plant room na pagtatamnan nila ng magiging pagkain nila. Meron ding shower pero kailangang lumikha sila ng tubig mula sa lupa. Sa panahon ng pagbibiyahe papunta sa Mars na tatagal nang anim hanggang siyam na buwan,  hindi sila makakaligo dahil limitado ang tubig sa loob ng kanilang spaceship kaya pupunas-punasan na lang nila ang kanilang katawan.  Magiging vegetarian din sila dahil puro gulay lang ang maaari nilang kainin.

“Maaaring kumain kami ng insekto dahil mataas sila sa protina. Maaaring gumawa kami ng ant farm at kumain ng langgam,” sabi pa niya.

vuukle comment

INTERNATIONAL SPACE STATION

MAAARING

MAGGIE LIEU

MARS

MARS ONE FOUNDATION

MERON

NILA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with