^

Punto Mo

‘Mamatay ka na sana’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA sobrang pagod sa pag-aalaga sa anak na nasa coma, naibulong ni Mrs. Joan Pistorius sa tenga ni Martin Pistorius – Mamatay ka na sana !

Walang kamalay-malay ang ina na ang anak na nasa coma ay gising ang diwa at normal ang pandinig kaya malinaw na narinig ni Martin ang masakit na wish ng kanyang ina sa kanya.

Isang masigla at malusog na bata si Martin hanggang isang araw ng 1988 ay pinauwi siya ng maaga ng kanyang titser mula sa iskul dahil masama ang kanyang pakiramdam. Labing-dalawa siyang taon noon.  Iyon ang simula ng panghihina ng kanyang katawan, naging pipi, mulat ang mata pero nakatingin lang sa kawalan. Parang buhay na patay. Infection sa utak ang naging dahilan ng lahat.

Mga apat na taon siyang walang malay hanggang isang araw ay ‘nagising’ siya. Mga 16 years old siya noon. Ang masakit ay siya lang ang nakakaalam na gising siya dahil hindi pa rin niya maigalaw ang katawan at lahat ng parte ng katawan para maisenyas niya na gumagana na ang kanyang isip at pandinig.  Kahit doktor ay hindi nakahalata na ‘gising’ at may malay na siya. At iyon nga, isang araw ay bumulong ang kanyang ina sa kanyang tenga na sana raw ang mamatay na siya.

Siyam na taon pa ang lumipas bago nahalata ng kanyang therapist na may malay na siya dahil naigagalaw na niya ng bahagya ang kanyang ulo. Ito ang iginagalaw niya kapag nagre-react siya sa sinasabi ng therapist. Naging “aware” na ang lahat na gising siya. Ibinili siya ng voice synthesizer upang maging maayos ang kanyang pakikipagkomunikasyon at tinuruan siyang gumamit ng computer.

Nalaman niyang sa sobrang kalungkutan sa nangyari sa kanya, ang kanyang ina ay muntik nang magpakamatay. Humingi na sa kanya ng tawad ang kanyang ina. Kahit nasa wheel chair, nagawa ni Martin na makapagtapos sa kolehiyo, makapag-asawa at makasulat ng libro tungkol sa kanyang na-ging karanasan. Nakatira siya sa England kasama ang kanyang maybahay. Isa na siyang web designer.

 

HUMINGI

IBINILI

ISA

KAHIT

KANYANG

MARTIN PISTORIUS

MRS. JOAN PISTORIUS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with