^

Punto Mo

EDITORYAL - Ooops, dahan-dahan na sa pakikipagnegosasyon

Pang-masa

DAPAT pa bang makipag-usap sa Moro Islamic Li-beration Front (MILF) ngayong may lamat na dahil sa walang awang pagpatay sa mga  miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF)? Lumalabas sa pagsusuri na 29 sa SAF commandos ay binaril nang malapitan sa ulo. Ibig sabihin kahit nakabulagta na, inuupakan pa.

Pero ipinipilit ng gobyerno na dapat matuloy ang peace negotiations. Marami na raw natamong hirap at pagod sa pagsusulong ng usapan at hindi dapat masayang.

Nagpahayag na ang House of Representatives na hindi muna magsasagawa ng debate ukol sa Bangsa-moro Basic Law (BBL). At sinigurong hindi maipapasa ang BBL sa 2016. Sabi ng ilang mambabatas, dapat maging sinsero sa pakikipag-usap ang MILF. Hiling ng iba na ibalik ang mga armas at personal na gamit ng SAF para makita na sila’y sinsero sa pakikipag-usap.

Nang magsagawa ng hearing ang Senado noong nakaraang linggo, dumalo si MILF peace panel chairman Mohagher Iqbal. Maraming tinanong kay Iqbal ang mga senador ukol sa nangyari sa Mamasapano pero wala ring nahalukay na katotohanan. Halos nagpaikut-ikot lang ang usapan. Sinabi ni Iqbal na huwag muna silang husgahan sa nangyari. Hindi lang naman daw mga SAF ang namatay kundi sa panig nila ay marami rin ang namatay.

Hindi rin nasagot ang mga katanungan kung bakit kailangang pagbabarilin nang malapitan ang mga su-gatang SAF commandos. Ang ilan sa mga ito ay hinubaran pa. May mga tumabingi ang mukha sapagkat walang awang binaril. Kinunan pa ng video ang mga pangyayari at marami ang nahindik sa mga nakapanood.

Dapat magdahan-dahan ang gobyerno sa pakikipag-usap sa MILF. Marami nang nakitang hindi maganda sa MILF. Pakikipag-usap ba sa kapayapaan ang kanilang nais o paghiwalay ng Mindanao. Bakit wala silang kontrol sa mga teroristang pumapasok sa kanilang teritoryo?

BAKIT

BANGSA

BASIC LAW

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IQBAL

MARAMI

MOHAGHER IQBAL

MORO ISLAMIC LI

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with