^

Punto Mo

The Samaritans

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Chad Varah ay isang British Anglican priest sa London. Noong 1953 ay may isang 18 taong gulang na dalaga ang nagpakamatay. Ang butihing pari ang nag-asikaso ng pagpapalibing. Pinaimbestigahan niya kung ano ang  nagtulak sa dalaga upang magpakamatay. Napag-alaman ng kanyang staff na ang dalaga ay walang mapagsabihan ng kanyang dinadalang problema kaya nataranta ito at nagpasyang tapusin na lang ang kanyang buhay.

Naisip ni Chad Varah na gamitin ang kaisa-isang telepono ng simbahan upang maabot niya ang mga taong nangangailangan ng  makikinig ng kanilang problema. Nagpa-advertise siya sa kanilang local newspaper na bukas ang linya ng simbahan upang magbigay ng payo sa mga tao. Unang  linggo pa lang ay may 27 calls na silang natanggap. Dumami nang dumami ang mga nangailangan ng kanyang payo. Naging busy ang telepono ng simbahan kaya ang ginawa ng iba ay nagsasadya na lamang sila nang personal sa simbahan upang makausap ang pari. Naisip ng pari na sanayin ang kanyang staff sa pagpapayo ng mga tao upang may makatulong siya sa pagpapayo. Dito nagsimula ang samahang The Samaritans – the world’s first crisis hotline organisation, offering non-religious telephone support to those contemplating suicide.

Maraming bansa ang gumaya sa The Samaritans. Mayroon nang Samaritans sa Hongkong, Singapore at USA. Noong 2014 ay nagkaroon na ng Samaritan sa Twitter ngunit ito ay kaagad sinuspinde. Hindi applicable sa Twitter ang Samaritans. Mabo-broadcast sa publiko ang mga problemang inilalapit sa organisasyon.

vuukle comment

BRITISH ANGLICAN

CHAD VARAH

DITO

DUMAMI

MABO

MARAMING

MAYROON

NAGPA

NAISIP

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with