^

Punto Mo

Maligamgam na Lemon Juice

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA umaga pagkagising, uminom ng maligamgam na tubig na hinaluan ng katas ng lemon. Isang mug ng tubig at katas ng kalahating pirasong lemon. Kung hindi kakayanin na walang tamis, haluan ito ng honey. Ano ang mangyayari sa inyo kung ito ang iinumin tuwing umaga bago mag-almusal?

1. Nagpapalakas ng immune system. Ang lemon ay mataas sa vitamin C at potassium. Hinahadlangan ng vitamin C ang sipon. Samantalang pinagaganda ng potassium ang brain at nerve function at kinokontrol ang pagtaas ng blood pressure.

2. Binabalanse ang pH level. Acidic ang lemon ngunit kapag nasa loob ng katawan, ito ay nagiging alkaline. Susi sa magandang kalusugan ang alkaline sa ating katawan.

3. Tumutulong upang mabawasan ang timbang. Mataas ang pectin fiber ng lemon na tumutulong para hindi kaagad magutom. Alkaline food ang lemon at sa isang pag-aaral, mas madaling mabawasan ang timbang kapag nag-a-alkaline diet.

4. Nagpapabilis ng digestion.

5. Natural diuretic. Nililinis ng lemon juice ang “unwanted” materials sa katawan kaya dadalas ang pag-ihi. Ang resulta ay malinis na urinary tract.

6. Nagpapakinis ng kutis. Nagpapabagal ng pagkulubot ng balat at nagtatanggal ng blemishes ang vitamin C. Dagdag pa rito, ang katas ng lemon ay nagtatanggal ng toxin sa dugo kaya magiging makinis at maganda ang kulay ng kutis.

7. Makikita ang magandang resulta pagkatapos ng isang buwang pag-inom tuwing umaga ng maligamgam (hindi kumukulo) na tubig na hinaluan ng katas ng lemon.

ANO

BINABALANSE

DAGDAG

HINAHADLANGAN

ISANG

LEFT

LEMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with