^

Punto Mo

EDITORYAL - Ihayag na ang kapalit ni General Purisima

Pang-masa

DALAWAMPUNG minutong nagsalita sa telebisyon si President Noynoy Aquino kahapon dakong 6:35 ng gabi. Sa panimula, sinabi niya kung paano nagsimula ang operasyon ng Special Action Force (SAF) sa dalawang terorista na sina Zulkifli Bin Hir, alias Abu Marwan at Basit Usman. Tagumpay ang operasyon, pero mabigat ang kapalit dahil 44 na SAF commandos ang nagbuwis ng buhay. Kasunod ay ang panunumbat niya sa commander ng SAF na dapat daw ay alam sana nito ang operasyon dahil matagal na siya sa Mindanao. Hindi sana nangyari ang trahedya kung naipatupad nang tama ang operasyon.

Hanggang sa sabihin na niya ang tungkol kay suspended PNP chief Dir. General Alan Purisima. Ma­laking papel daw ang naging bahagi ni Purisima sa pagtugis sa dalawang terorista. “Hindi rin naman po li­ngid sa kaalaman ng publiko na mahaba ang aming pinagdaanan. Noon pong coup d’etat, o iyong attempted coup d’etat ng 1987, panatag ang loob ko bago kami na-ambush na may sapat na kakayahan ang aming security personnel. Dahil nga po halos naubos ang mga kasamahan ko, nayanig ang aking kompiyansa. Si Alan Purisima po ang nag-design, nagpatupad, nag-train sa amin ng isang modified VIP protection course; malaki ang naitulong nito sa panunumbalik ng aking kompiyansa. Mula noon, hanggang ngayon, marami kaming pinagdaanan; kasama ko siya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang interes na maaari kaming ipahamak. Noong mga panahong bahagi ako ng oposisyon, bagama’t peligroso sa kanyang karera ang pagiging malapit sa akin, hindi po ako iniwan ni Alan.

Kaya nga po, siguro naman ay maiintindihan ninyo kung bakit masakit para sa akin na aalis siya sa serbisyo sa ilalim ng ganitong pagkakataon. Tinatanggap ko po, effective­ immediately, ang resignation ni General Purisima. At nagpapasalamat ako sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod bago mangyari ang trahedyang ito.’’

Matibay ang kanilang pagkakaibigan ni Purisima pero kailangang dinggin ang sigaw ng mga “boss” niya. Salamat naman at nakinig din ang Presidente. Dapat ihayag na niya kung sino ang kapalit ni Purisima.

ABU MARWAN

BASIT USMAN

GENERAL ALAN PURISIMA

GENERAL PURISIMA

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PURISIMA

SI ALAN PURISIMA

SPECIAL ACTION FORCE

ZULKIFLI BIN HIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with