^

Punto Mo

Hotel room sa France, nakabitin sa taas na 9,000 feet at nasa tabi ng bundok

- Arnel Medina - Pang-masa

SA taas na 9,000 talampakan ay nakasabit ang isang cable car sa tabi ng Mount Sommet de la Saulire sa France. Kung unang titingnan ay wala itong pinagkaiba sa ibang cable car na naghahatid ng mga turista na nagbabakasyon malapit sa bundok.

Ngunit kakaiba ang nasabing cable car dahil hindi ito nagsasakay ng pasahero. Sa halip ay ginawa itong isang hotel room ng Airbnb, isang kompanya na nagpaparenta ng mga pansamantalang matutuluyan sa mga turista.

Katulad ng isang pangkaraniwang hotel room, kumpleto ang cable car sa mga kagamitan para maging komportable ang tumutuloy dito. Kasya ang apat na bisita na puwedeng mahiga at matulog sa dalawang malalaking kama na nasa loob ng cable car. Maganda rin ang tanawin na makikita mula sa mga bintana ng cable car dahil sa kalapit na bundok nito na karaniwang puntahan ng mga turista.

Hindi pa iniaalok ng Airbnb sa publiko ang hotel room na ito dahil plano muna nilang pumili ng apat na katao na unang makakasubok na tumuloy sa isang hotel room na nakasabit sa taas na 9,000 talampakan.

Pipiliin nila ang mananalo sa pamamagitan ng isang pa-contest kung saan kailangang ipaliwanag ng bawat kalahok sa loob ng 100 mga salita kung bakit sila ang karapat-dapat na mapili bilang kauna-unahang bisita ng kakaibang hotel room.

AIRBNB

CABLE

CAR

ISANG

KASYA

KATULAD

MAGANDA

MOUNT SOMMET

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with