^

Punto Mo

“Basurang ‘sound bytes’ sa mga balita”

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAG-INGAT sa mga basurang naglalabasan sa telebisyon, radyo at dyaryo mula sa kung sino-sinong personalidad at trapo sa gobyerno na gustong sumikat.

Suriin ang bawat lumalabas sa kanilang bibig. Analisahin ang sustansya ng kanilang mga sound bytes o sinasabi.

Hinggil ito sa kontrobersyal na malagim na engkwentro sa Maguindanao na nangyari nitong nakaraang linggo. Na dahil sa kapalpakan ng mga nagmagaling na nag-plano na pilit pang itinago sa mga kinauukulan, nauwi tuloy sa madugong operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).

Ngayong nabulilyaso ang misyon, wala nang gustong umako ng pananagutan kundi puro pagtuturuan ng sisi.

Akala yata ng kung sinumang palpak na hindi pa rin lumulutang at hindi na mahagilap ngayon, ang nasabing operasyon, isang laro. Na ang taya, buhay ng mga sundalo.

Ito naman ang sinasamantala ng mga nagdudunong-dunungan sa isyu. Nagbibigay ng tigli-lima singko nilang komentaryo at opinyon. Kaya paalala sa publiko, mag-ingat sa inyong mga binabasa at pinakikinggan.

Mag-ingat din sa mga pulitikong pilit nanghihimasok. Nakikisawsaw, angkas, sakay sa isyu o SAS kung tawagin ng BITAG Live. Kaniya-kaniyang diskarte mapansin at makapag-iwan lang ng tatak sa isipan ng taumbayan. Malapit na talaga ang eleksyon.

Ang nangyayari tuloy, nalilihis ang totoong isyu. Sa halip na masentro sa usapin, sa personahe na ng kung sinumang kumag, kenkoy at kolokoy natutuon ang atensyon. Nagpapatalbugan sila sa pagsulong ng mga hearing sa senado kung saan ang publiko, nanawa na at hindi na interesado.

Ang punto dito, kung talagang magigiting ang mga trapong nakaupo sa gobyerno na bumubula ang bibig sa harap ng mikropono at kamera, dapat bigyan ng hustisya ang mga nabalo at naulilang pamilya. Hindi sapat ang mga ipinangako ng administrasyon na tulong-pinansyal, insurance claims at scholarship grants.

Ang problema, sa mga ikinikilos at inaasta ni Pangulong Noy Aquino makikita na mayroong siyang pinagtatakpan at itinatago. Hindi marunong umamin at umako ng pagkakamali. Sa madaling sabi, walang pananagutan. Tsk…tsk!

Sa mga naulila at nabalo ng mga sundalo na sumunod lang sa utos ng nagplano ng nabulilyasong operasyon, kaisa ang BITAG Live sa mga pamilyang nananawagan ng hustisya.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ANALISAHIN

HINGGIL

KANIYA

KAYA

PANGULONG NOY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with