^

Punto Mo

‘Modus sa prangkisa’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI pa rin ang naloloko sa mga iniaalok at ibini­bentang prangkisa sa kabila ng moratoryo ng Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Karaniwan sa mga biktima, salat sa kaalaman at im­pormasyon.

Kaya naman ang mga putok sa buhong matitigas ang mukha, malalakas ang loob, sige lang sa kanilang mga pananamantala.

Tulad na lang ng nangyari sa pobreng negosyante na lumapit sa BITAG T3. 

Naisahan umano siya ng kumag na nagbenta sa kanya ng prangkisa ng taxi. Ang alok, halos kalahati lang ang presyo kumpara sa regular na presyuhan ng LTFRB.

Kagalingan daw sa pagsasalita ng dorobo ang dahilan kung bakit nakumbinsi ang biktima na pumatol sa alok na murang prangkisa.

Pero laking gulat na lang daw ng pobre nang lumabas sa beripikasyon ng ahensya, palsipikado lahat ang hawak niyang papeles na pilit lang kinopya sa orihinal na dokumento, kaya pati plaka, peke rin.

Ang problema, nakapagbigay na siya ng pera sa manggagantso na hindi na mahagilap pa sa kanyang numero.

Kaya sa mga negosyante na gustong bumili ng prangkisa at mga nagnanais magtayo ng negosyong pamasada, huwag maging adelantado at tulo-laway sa mga alok na transaksyon.

Maging praning sa mga boladas ng kausap na talpulano. Pumunta sa ahensya ng gobyernong may hurisdiksyon sa usapin upang hindi maisahan ng mga putok sa buho.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

ABANGAN

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

KAGALINGAN

KARANIWAN

KAYA

LAND TRANSPOR

NAISAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with