^

Punto Mo

EDITORYAL – Pala-absent na mambabatas, turuan ng leksiyon

Pang-masa

SAYANG lang ang ipinagkatiwalang boto sa mga mambabatas na hindi maman dumadalo sa session ng Kongreso. Kaya sila ibinoto ng constituents ay para lumikha ng mga batas na makatutulong sa kanila para mapaunlad ang buhay at ang pamayanan. Kung mayroong mga batas na malilikha ang pinagkatiwalaan sa Kongreso, mayroon nang makakapitan ang mga tao sa kanyang nasasakupan.

Subalit hindi ganito ang nangyayari sapagkat may ilang mambabatas na hindi dumadalo sa session. Laging silang absent. Hindi na mabilang ang dami ng kanilang ini-absent at dahil dito, walang napapakinabang ang mga tao sa kanyang nasasakupan. Wala nang gumagawa ng batas para sa kanila kaya wala na silang inaasahan pa. Bigo sila sa pagboto sa kanilang mambabatas. Akala nila ang mambabatas ang sasagot sa kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng paglikha sa mga batas. Pero wala pala! Binigo sila.

Kaya nararapat lamang na turuan ng leksiyon ang mga mambabatas  na parating absent sa session. Kung hindi sila parurusahan, ano ang mangyayari sa mga susunod pang henerasyon. Wala na silang aasahang batas na maaaring makatulong sa kanila sa hinaharap.

Isa sa magandang dapat iparusa ay ang pagla­lathala sa diyaryo ng mga pangalan ng pala-absent na mambabatas. Ipinanukala ito ni Buhay Party-list Rep. Joselito Atienza. Dapat daw idiyaryo ang mga pangalan bilang kaparusahan sa pag-aabsent. Isa pang parusa para sa mga pala-absent ay ipitin ang sahod ng mga ito. Huwag silang pasuwelduhin.

Magandang suhestiyon ito. Dapat ngang turuan ng leksiyon ang mga pala-absent na mambabatas. Hindi dapat sa Kongreso ang mga mambabatas na laging wala sa session.

ABSENT

BUHAY PARTY

DAPAT

ISA

JOSELITO ATIENZA

KAYA

KONGRESO

MAMBABATAS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with