Manong Wen (181)
BINATAK ng kidnapper na si Tsong ang palda ni Princess. Nang maalis ay nalantad ang black panty ni Princess. Lalo nang tumulo ang laway ni Tsong sa pananabik.
Hinawakan niya ang garter ng black panty at babatakin na pababa nang biglang may humawak sa kanyang kamay. Matigas ang kamay na humawak sa kanya. Gulat na gulat si Tsong.
Nang tingnan niya kung sino, si Jigs pala na kasamahan niya.
“Anak ng …. Huwag ka ngang istorbo, Jigs!”
“Ako naman, Tsong. Kayo na lang lagi ni Marko ang nakikinabang sa mga kinikidnap natin.’’
“Hindi pa nga ako nagsisimula rito, ulol!”
“Ako naman, kanina ka pa d’yan e!”
“Ulol! Ni hindi ko pa nga nakikita ang hiyas nito e uunahan mo pa ako. Alis ka nga diyan!”
“Ulol ka rin! Kanina ka pa nagsasawa sa babaing yan ah!”
“Gusto mo pasabugin ko ang tumbong mo!”
“Sige, subukan mo at nang magkasabugan na tayo rito.’’
“Aba’t talagang hinahamon mo ako ha!” Sabi ni Tsong at binunot ang baril sa tagiliran.
Pero naunahan siya ni Jigs. Binunot din nito ang baril at tinutok sa tagiliran niya.
Nagkatutukan na sila.
“Sige, iputok mo at sabog din ang tumbong mo!”
“Huwag kang puro katsang. Tapusin na natin ito!”
Naggirian ang dalawa.
Hanggang sa magkamalay si Princess. Nakita niya ang pag-aaway ng dalawang kidnapper. Unti-unti siyang bumangon. Tatakas siya. Sasamantalahin niya ang pagkakataon. Nakatayo siya. Nasaan kaya si Precious? Kailangang makita niya si Precious. Nagtatakbo siya sa direksiyon na maaaring kinaroroonan ni Precious. Hindi niya alam kung anong lugar na ito.
Hanggang makita niya si Precious na tumatakbo rin. Maaaring nakatakas din ito sa may hawak na kidnaper. Naka-bra at panty rin si Precious na tulad niya.
“Precioussss! Precioussss!” tawag niya.
Nang mga sandali namang iyon ay nalaman na ni Mam Diana ang nangyari kina Princess at Diana. Ang drayber ang nagsabi sa kanya.
Hindi malaman ni Diana ang gagawin. Saka biglang nagpasya.
“Dali, hanapin natin ang mga anak ko!”
(Itutuloy)
- Latest