School phone menu
January 21, 2015 | 12:00am
“Hello Parents! Ito po ang automated answering service ng eskuwelahan. Upang kayo ay matulungan naming ikonekta sa tamang staff member ng eskuwelahan, pakinggan ang mga pagpipiliang pindutin:
- Kung magsisinungaling ka kung bakit absent ang iyong anak: Press 1
- Kung magdadahilan ka kung bakit laging walang homework ang iyong anak: Press 2
- Kung gusto mong ipaubaya sa amin ang pagpapalaki sa iyong anak: Press 3
- Kung maninisi ka ng titser kung bakit siya bumagsak sa exam: Press 4
- Kung magdadahilan ka kung bakit ayaw mong makipagkita sa Principal dahil sa kabulastugang ginawa ng iyong anak: Press 5
- Kung magre-request ka na ilipat sa ibang section (sa ikatlong pagkakataon) ang iyong anak dahil walang makasundo ito sa kanyang section: Press 6
- Kung magrereklamo ka tungkol sa kanyang school bus: Press 7
- Kung magrerekalamo ka tungkol sa pagkaing ibinebenta sa school canteen: Press 8
- Kung napagtanto mo na ang paghubog sa pagkatao ng iyong anak ay hindi solong responsibilidad ng kanyang paaralan kundi ito ay shared responsibility ng paaralan at magulang: Ibaba mo ang telepono… alagaan at pangaralan mong mabuti ang iyong anak. Bye! Have a nice day.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended