Manong Wen (178)
SAGLIT na hindi nakapagsalita si Jo sa sinabi ng traysikel drayber. Panibagong problema na naman.
‘‘Saang direksiyon sila nagtungo?’’ tanong ni Jo.
‘‘Dun po Sir. Mabagal lamang po ang takbo ng van.’’
‘‘Salamat nang marami!’’
Makaraan iyon ay agad na sumakay sa traysikel na nagpahatid sa kanya at nagpahatid sa bahay. Magagamit niya ang sasakyang binigay ni Mam Diana para mahabol ang mga kidnaper. Agad niyang sinabihan na may pupuntahan sila. Itinuro niya ang lugar na tinungo ng mga kidnaper base sa sinabi ng traysikel drayber.
“Bilisan mo! May susundan tayo! Isang van na kinaroroonan nina Princess at Precious. Kinidnap sila!’’
Mabilis na pinatakbo ang SUV. Humaharurot. Habang tumatakbo, nag-iisip si Jo. Tiyak na remnants ng grupo ni Chester ang mga kidnaper. Muling nagtayo ng bagong grupo at binalikan sina Princess. Mga walanghiya! Magbabayad sila! Bulong ni Jo at ikinuyom ang mga kamay.
“Bilisan mo pa! Kaila-ngang abutan natin ang mga hayop. Magkakasubukan kami ngayon!’’
Pinabilis pa ng drayber ang SUV.
Pero wala na silang inabutan na van. Malayo na ang narating nila pero wala silang nakita. Maaaring nag-iba ng ruta ang mga kidnapper. O maaaring itinago nila sa isang bahay dito sa Villareal.
Hinayang na hinayang si Jo. Anong gagawin niya? Kung irereport sa pulis baka lalong may masamang gawin kina Princess.
Kailangang makita niya sina Princess.
SAMANTALA, nasa sasakyan pa sina Princess at Precious. Wala pang malay. Pawang naka-mask ang mga kidnapper.
Nakatutok ang isa sa magandang si Precious.
‘‘Batambata ito! Ano kaya at tikman muna natin?’’
“Sige! Nakakagigil ang ganda nito!’’
Biglang sumabad ang drayber.
“Tirhan n’yo ako mga manyakis!’’
Pero nakapag-isip-isip ang isa. “Kung titikman natin ang dalawang ito, baka masira ang plano ni Boss. Di ba sabi niya, huwag pakikialaman ang kinidnap natin. Kailangang dalhin sa kanya nang buung-buo!”
“E kasi nga siya muna ang titikim. Wala ring ipinagkaiba si Bossing sa napatay na si Chester. Lahat nang kinikidnap, gusto titikman.’’
‘‘E di malamang, titikman din ni Bossing ang magandang tsikas na ito.’’
‘‘Tiyak yun! Kapag nakita niya kung gaano kaganda ang kinidnap natin, baka maglaway yun.’’
‘‘E di huwag na nating dalhin sa kanya ang mga ito. Pagsawaan na lang natin at pagkatapos ay…” Inilagay ang hintuturo sa leeg at sinabi, ‘‘krrreeek!’’
Nagtawa ang kausap.
“Ang lupit mo naman. Tinikman mo na e uutasin mo pa.’’
“Kapag hindi natin inutas, delikado tayo. Makakapagsumbong pa yan at delikado tayo.’’
“Paanong gagawin na-ting pag-utas?’’
‘‘Isemento natin sa drum tapos ilubog natin sa Pasig River.’’
“Aba, okey ‘yan! Sige, tikman na natin ang dalawang ito. Huwag na nating patagalin pa. Habang tumatakbo ang van ay may ginagawa rin tayo, he-he-he!’’
Hinimas ng isa ang hita ni Precious. Unti-unting gumapang paitaas.
“Ang kinis! Waw na waw!’’
Itinuloy ang paghipo. Naabot ang panloob.
“Eto na! Wowow!’’
Sumigaw ang drayber. “Hoy mga manyakis tirhan n’yo ako!’’
“Itigil mo diyan sa kakahuyan at tikman na natin ang dalawang ito.’’
Mabilis na ipinasok ng drayber ang van sa ilalim ng mga puno.
Hanggang parang mga aso na nagkagulo. Hayok na hayok sa sariwang karne ang mga ito. (Itutuloy)
- Latest