^

Punto Mo

Life’s Little Instruction (3)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

26. Magpahid ng sunscreen para hindi agad tumanda ang kutis.

27. Magsuot ng sunglasses kung summer. Una, for health reason. Pangalawa, for “art” reason. Arte lang, feeling ganda-gandahan. Magkaganoon pa man, nagdudulot ito ng magandang pakiramdam.

28. Laging kumanta. Nakakapagpasaya ito ng kalooban lalo kapag na-realize mong sintunado ka.

29. Do not read beauty magazines. They will only make you feel ugly. Mainam na ‘yung nabubuhay ka sa pantasya na maganda ka.

30. Huwag umasa na laging may susuporta sa iyo. Mas mainam na sanay kang tumayo sa sariling paa.

31. Kung naghahanap ka ng mataas na klaseng produkto o serbisyo, dapat ay payag kang magbayad ng mahal.

32. Bigyan ng oras ang sarili para magbasa ng Bible araw-araw. At hamunin ang sarili na matapos itong basahin sa loob ng isang taon. Magsimula ka na ngayon.

33. Pantayin mo ang amount ng tip na ibibigay sa hair stylist at assistant nito. Oo nga at ang nagpaganda sa iyo ay ang hair stylist pero mas napagod ang assistant sa pag-blower, pag-plantsa at pagpahid ng hair treatment solutions sa buhok mo.

34. Palipasin muna ang magdamag bago sumagot sa taong nag-provoke sa iyo para uminit ang iyong ulo. Hindi nagiging matino ang judgement ng isang tao kung siya ay galit.

35. Kapag nakikipaglaro sa mga bata, laging magpatalo. Hindi mo lang alam ang pride na nadadama nila sa kanilang sarili dahil sa kanilang pagkapanalo. (Itutuloy)

BIGYAN

HUWAG

ITUTULOY

KAPAG

LAGING

MAGKAGANOON

MAGPAHID

MAGSIMULA

MAGSUOT

MAINAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with