^

Punto Mo

Alcala, sibakin o pagbakasyunin

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MULI na namang nasasangkot sa isyu ng katiwalian si Agriculture Secretary Proseso Alcala kaugnay naman ito sa cartel umano sa pag-aangkat ng bawang sa bansa.

Itinuturo si Alcala na may kinalaman umano sa umano’y anomalya sa pag-aangkat ng bawang na naging dahilan upang biglang tumaas nang sobra-sobra ang presyo nito.

Panahon na upang pagbakasyunin ng Malacañang si Alcala habang sumasailalim ito sa imbestigasyon.  

Walang pinag-iba ito sa sitwasyon noon kay dating DOH secretary Enrique Ona na pinagbakasyon muna sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon ng NBI sa pagbili ng bakuna ng Department  of Health.

Kung kaya puwedeng pagbakasyunin din si Alcala ng Malacañang habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu ng bawang.

May ilang senador na rin ang nagrerekomenda kay Pres. Noynoy Aquino na suspendihin o sibakin na si Alcala dahil seryoso ang kinasasangkutang anomalya ng kalihim.

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na nasasangkot si Alcala sa mga alegasyon ng katiwalian subalit ang pagkakaiba nito kay Secretary Ona ay mas dikit o kaibigan siya ng Presidente.

Kaya naman ang persepsiyon na ginagamit ni Alcala bilang kalasag ang Presidente sa kanyang kapalpakan.

Pero kilalang napakabait ng Presidente sa kanyang mga kaibigan at nahihiyang manibak sa puwesto kahit pa nagsisilbi na itong pabigat sa administrasyon.

Muling masusubukan ng publiko kung mayroong delikadesa si Alcala at kusa na siyang bibitiw sa puwesto o magbabakasyon habang umaarangkada ang imbestigasyon laban sa kanya.

ALCALA

ENRIQUE ONA

ITINUTURO

KAYA

MALACA

NOYNOY AQUINO

PANAHON

PERO

SECRETARY ONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with