^

Punto Mo

Manong Wen (163)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAY dalawang minutong umiyak si Diana. Humagulgol. Hindi naman malaman ni Jo ang gagawin sa pagkakataong iyon. Naguguluhan siya sa babaing ito. Dadalhin siya rito tapos iiyak. Ano kaya ang pakay sa kanya ng babaing ito? Hindi kaya kasabwat ng Chester kidnapping group ang babaing ito? Pero sa tipo ay hindi naman dahil mukhang maykaya sa buhay.

Maya-maya tumigil ang babae. Dumampot ng tissue at pinunasan ang pisnging dinaluyan ng luha.

Maya-maya, nagsalita. “Matagal na nga kitang pinasusubaybayan Jo. Pasensiya ka na. Ginawa ko iyon sapagkat ikaw lamang ang tanging makakatutulong sa akin. Walang ibang tao sa mundo ang maka-kagawa niyon kundi ikaw lamang.’’

Gulung-gulo na si Jo. Pero minabuti muna niyang makinig kay Diana. Saka na lamang siya magtanong dito. Mukhang maraming sasabihin si Diana.

“Una kong nalaman ang pangalan mo nang mabasa ko sa diyaryo. Ikaw ang itinuturing na bayani ng mga kinidnap na dalagita. Dahil sa’yo, kaya nalansag ang Chester kidnapping group. Napakatapang mo, Jo. Walang ibang nakagawa ng kabayanihan mo. Maski ang mga pulis, walang sinabi sa kakayahan mo…’’ tumigil ito sa pagsasalita at pinahiran ng tissue ang pisngi.

Gusto sanang sabihin ni Jo na hindi lamang siya ang baya­ni kundi maging ang ka­sama niyang babae na walang iba kundi si Princess. Pero hindi na niya ginawa. Hina-yaan na lamang niya ang babae sa paniwala nito.

“Mula nang malathala ang pangalan mo, pinasubayba-yan na kita. Marami akong nalaman sa’yo. Kahanga-ha-nga ka, Jo. Wala kang katulad. Isang lalaking maaasahan sa oras ng pangangailangan…’’

Lalo nang naguluhan si Jo sa mga sinabi ni Diana. Ano ba ang pinagsasasabi ni Diana at hindi pa siya deretsahin.

“Alam mo, kilala ko ang lider ng Chester kidnapping group. Kilalang-kilala!’’

“Anong ibig mong sabihin?’’ May paghihinala sa boses ni Jo. Hindi kaya tauhan ito ni Chester.

“Kilala ko si Chester. Iisang bayan ang pinagmulan namin?’’

“Magkababayan kayo?’’

“Oo.’’

“Ang pamilya nila ang pinakamayaman noon sa aming bayan.’’

Nag-isip si Jo. Kung kababayan si Chester, baka kilala rin nito si Princess.

‘‘Pero tinedyer pa lang --- nasa high school pa si Chester nang huli kong makita. At nagulat nga ako nang mabalitaan na napatay pala ito --- lider pala ito ng isang kidnapping group. Hayop pala si Chester.’’

Hindi na nakatiis si Jo. Nagtanong na ito kay Diana. ‘‘Kung kilala mo si Chester, palagay ko kilala mo rin ang babaing nakatulong ko sa pagbuwag kina Chester. Kilala mo rin ba si Princess?’’

Napatingin si Diana kay Jo. Hindi ito kumukurap. Nag-alangan kung sasagot o hindi.

“Kilala mo ba si Princess?’’

Sa halip sumagot, muli na namang umiyak si Diana. Mas malakas. Hagulgol.

‘‘Bakit ka umiyak? Kilala mo ba si Princess?’’

Tumigil sa pag-iyak si Diana.

‘‘Oo. Kilala ko si Prin­cess. Anak ko siya!’’

Shock si Jo. Si Diana ang ina ni Princess? Siya ang nagtaksil na asawa ni Manong Wen?

Kaya pala! Kaya pala nahahawig siya kay Princess at Precious!

(Itutuloy)

ANO

CHESTER

DIANA

KAYA

KILALA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with